top of page
Search
  • BULGAR

Sapul ng bala sa sentido, gumagalaw pa… VIDEO NG PAGKAMATAY NI RONALDO, KALAT NA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 20, 2023




Sa kabila ng matinding pakiusap ni Janno Gibbs na bigyan sila ng katahimikin at irespeto ang pagkamatay ng ama nila ng dati ring aktres na si Melissa Gibbs na si Mr. Ronaldo Valdez, 76-anyos, mukhang dinedma lang ang aktor.


Kumakalat kasi ngayon sa social media at pinagpapasa-pasahan ang actual video footage na kuha ng lalaking isa sa mga rumesponde sa bahay ng veteran actor nu'ng Linggo nang hapon.


Sa video na napanood namin, makikitang nakaupo ang tatay ni Janno sa isang chair na nasa gilid ng kanyang kama, nakayuko at may tama na ng bala sa sentido habang sa kanang kamay na nasa kanyang lap ay hawak nito ang baril na hinihinalang ginamit sa kanyang diumano'y pagpapakamatay.


Makikitang kinuha ng kumukuha ng video ang baril mula sa kamay ni Ronaldo nang walang anumang suot na gloves.


Sa video ay maririnig ang lalaking nagsasalita na 'suicide' ang tingin niya sa nangyari.


Kasunod nito, maya-maya ay makikitang binubuhat na ang walang malay na veteran actor para ihiga sa stretcher. 


Bago ilabas ng kanyang kuwarto sakay ng stretcher, maririnig ang bahagyang pag-ungol ni Mr. Ronaldo Valdez at paggalaw ng kanyang kaliwang paa na senyales na may buhay pa ito.


Natapos ang video nang ibaba na sa hagdan ang veteran actor at dinala na nga sa ospital.

 

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page