top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sapat bang ebidensiya ang Transfer Certificate of Title para sa ibinebentang lupain?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 4, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 04, 2021



Dear Chief Acosta,

May nagbebenta sa akin ng lupa at sinabi niyang siya diumano ang may-ari nito. Ipinakita niya na siya lamang ang nakapangalan sa Transfer Certificate of Title (TCT), ngunit sinasabihan ako ng kanyang kapatid na pamana diumano ito sa kanilang lahat ng yumao nilang magulang. Ano ba ang TCT at sapat ba itong ebidensiya na ang kaibigan ko nga lamang ang may-ari ng kaniyang ibinebentang lupain? – Ernie


Dear Ernie,

Para sa inyong kaalaman, ikinumpara ang legal na kahulugan ng “title” at “certificate of title” ng Korte Suprema sa kasong Luz Nicolas vs. Leonora Mariano (G.R. No. 201070, August 1, 2016, Ponente: Honorable former Associate Justice Mariano C. Del Castillo), kung saan sinabi na:


“By title, the law refers to ownership which is represented by that document. Petitioner apparently confuses certificate with title. Placing a parcel of land under the mantle of the Torrens system does not mean that ownership thereof can no longer be disputed. Ownership is different from a certificate of title. The TCT is only the best proof of ownership of a piece of land. Besides, the certificate cannot always be considered as conclusive evidence of ownership.” (Binigyang-diin.)


Sa nasabing kaso, binigyang-diin ng Kataas-taasang Hukuman na:


“Torrens system of land registration “merely confirms ownership and does not create it. It cannot be used to divest lawful owners of their title for the purpose of transferring it to another one who has not acquired it by any of the modes allowed or recognized by law.” (Binigyang-diin.)


Samakatwid, kahit na ang TCT ng ari-arian ay nakapangalan pa sa tao, maaaring ang tunay na pag-aari ng nasabing ari-arian ay naisalin sa iba sa pamamagitan ng titulong naibigay na sa mga transaksyong dinaanan na nito, na may kaakibat na dokumento gaya ng Deed of Sale, Deed of Donation, atbp. Kung kaya’t mainam sa inyong sitwasyon na tiyakin muna sa Registry of Deeds (RD), na nakasasakop sa ari-ariang inyong bibilhin, kung may iba na bang nagpatala ng pag-aari nito o kaya ay kung may kaukulang anotasyon na tungkol dito na maaaring makaapekto sa inyo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page