top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

SANYA, SINITA NG UTOL NA SI JAK SA PAGTU-TWO-PIECE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 2, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 02, 2021





Pinainit ni Sanya Lopez ang mga followers niya sa Instagram sa post niya in her two-piece yellow bikini. Kahit female friends ni Sanya, nabulabog dahil talaga namang sexy siya sa kanyang kasuotan.


Hindi binanggit ni Sanya ang location sa kanyang photo, pero parang sa locked-in taping ito ng First Lady nila ni Gabby Concepcion. Kaya may mga nag-comment na napakasuwerte ni Gabby for having her as his leading lady.


Pati nga ang kapatid na si Jak Roberto, nakapag-comment ng “Ano ka d'yan?” na sinagot ni Sanya ng “@jakroberto 'wag kang anooo” na ikinatuwa ng mga fans.


Nagbiro ang mga fans na hindi nagustuhan ni Jak ang litrato niya at hinahanap na nito ang pamalo na ibinibiro ni Jak kay Sanya.


Ang nakakagulat ay ang reaction ng mga kababaihan, karamihan, “grabe” ang comment at pati mga sosyalera ay napa-comment din. Kahit “hello yellow” lang ang caption ni Sanya, lahat ay nabulabog.


Anyway, inaabangan na ang airing ng First Lady na expected na mas sweet sina Sanya at Gabby dahil magiging mag-asawa na sila. Siguradong may mga mag-iisip na naman na totoong may relasyon ang dalawa, pero next year pa sila mag-aabang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page