Sangalang, sa death-defying physical task ng ONE Apprentice
ni MC - @Sports | May 08, 2021

Photo: IG @louie.sangalang
Haharap na sa pinakamahirap at itinuturing na death-defying physical task ang mga nalalabing kandidato sa huling 6 na episodes ng The Apprentice: ONE Championship Edition kung saan ang hinahangaang MMA legend at ONE Championship vice president na si Rich "Ace" Franklin ang babalahibo sa mga kalahok.
Isang Pinoy na si Louie Sangalang ang matibay pa ring nakikipagbakbakan tungo sa kauna-unahang magwawagi ng US$250,000 job offer at maging protege at chief-of-staff ni ONE Championship chairman at CEO Chatri Sityodtong.
Isasahimpapawid ang Episode 8 na tanging 8 kandidato na lamang ang nahaharap sa pinakamabigat nang challenges. Una, silang susubukin ni “Ace” Franklin sa itinuturing na pinakamahirap na physical task ng season: kailangang maka-survive sa isang open water helicopter crash at dito ay masusubok ang tibay nila sa makasabog-bagang paglangoy upang makaligtas.
Isang sales challenge naman ang susuungin nila sa pagsubok sa business sa paggamit ng mga upcycled products para sa B2B at B2C customers. Ang aksiyon ay maisasaere sa Mayo 10 ng 9 p.m. at matutunghayan sa https://www.onefc.com/theapprentice/
Ang mga atletang bumisita sa reality show ay sina former ONE Welterweight World Champion Ben Askren, ONE Heavyweight World Champion Brandon Vera, ONE Women’s Atomweight World Champion Angela Lee, ONE Flyweight World Grand Prix Champion Demetrious Johnson, Indian Wrestling Champion Ritu Phogat, at ONE Women’s Strawweight World Champion Xiong Jing Nan, at iba.
Ang “The Apprentice” ay isa sa pinakamalaking non-scripted reality television programs, kung saan nasubok sa business skills ang 16 candidates na magiging high-profile CEO kapag nagwagi. Isinasaere sa may 120 bansa. Ang first season nito ay may 13 episodes.
Samantala, makikipagbalibagan naman si Fil-AM MMA superstar ate Apprentice judge Brandon “The Truth” Vera kay Indian wrestling champion Arjan “Singh” Bhullar sa main event ng ONE Heavyweight World Title na pinamagatang “ONE: DANGAL,” sa s tape-delayed event sa Mayo 15.





Comments