Search
  • BULGAR

Sangalang, last pinoy standing sa The Apprentice, Lara, sumuko

ni MC - @Sports | April 7, 2021




Hindi naging matagumpay ang paglipat ni Lara Pearl Alvarez sa ibang team The Apprentice: ONE Championship Edition.


"Being with Team Conquest, I felt like I am underappreciated. Now that I'm with Team Valor, it's time to shine," aniya sa isang malalim na paghinga matapos lumipat sa kabilang team pagpasok sa episode three ng reality TV show.


Nasayang ang pagsisikap ng 24-anyos na Filipina accountant nang sumuong muli sa mga pagsubok na maipakita ang iba pang pagkakataon para maipamalas ang galing at husay sa kompetisyon.


Kakulangan na rin sa mas doble pang paghahanda ang nagpatibag kay Alvarez upang tahakin ang pinto palabas bilang ikatlong kandidato sa eliminasyon ng high-stakes game ng business competitions at physical challenges na idinaraos ngayon sa Singapore - na may premyong US$250,000 job offer at isang taon na trabaho sa opisina ni ONE Championship chairman at CEO Chatri Sityodtong's bilang protégé sae ONE Championship Global Headquarters sa Singapore sa buong isang taon.


Ang lakas na rin ng Team Valor sa pisikal na mga pagsubok ay hindi naging hadlang kay Alvarez bilang baguhan pa lamang pero hindi kinaya ang iba pang challenges.


"I skipped for a bigger role because I'm still new and I just give my best in the class that is given to me," aniya nang atasan siya bilang interviewer sa team's marketing video ng Golden Equator.


Samantala, may aasahan pa rin ang Pilipinas kay Louie Sangalang na patuloy pang buhay ang pag-asa sa kompetisyon. Ang 43-anyos na procurement counsultant na may 1-0 record bilang project manager ay nagpakitang-gilas sa languyan bilang pisikal na pagsubok. "As a former professional fighter, when you set yourself on fire, people want to watch you burn because now, you serve as the beacon of hope for everybody else," aniya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.