top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sangalang, laban pa rin sa last 4 ng The Apprentice

BULGAR
May 30, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | May 30, 2021




Pinakamahirap na huling linggo na itong sasabakan ni Pinoy bet Louie Sangalang sa The Apprentice: ONE Championship Edition nang mabingit siya sa chopping block sa pagpapatuloy ng maaksiyong reality series ng Episode 10.


Nagmalupit ang mga komento kay Sangalang ng tatlong katunggali niyang mga babae nang kuwestiyunin ang kanyang mga galaw at napintasan ang hindi niya pagbibigay kontribusyon na hindi nila inaasahan para sa Pinoy.


Tanging silang apat na lamang na mga kandidato ang nalalabi para paglabanan ang top prize na $250,000 job offer at magsilbing protege ni CEO Chatri Sityodtong at maging chief of staff ng ONE Championship Global Headquarters sa Singapore, at hindi lang nag-iisang lalaki sa grupo si Louie kundi natatanging Asyano pa.


Ang karaniwang palaban at astiging Pinoy ay nakaramdam ng pressure nang pumalya siya sa soccer game kalaro ang players ng Boys Town Singapore, isa sa paboritong tinutulungan ni Sityodtong. Nakisimpatiya at nakinig kay Sangalang ang CEO dahil sa kanyang mga kuwento hinggil sa pagiging cancer survivor.


Isa rin sa rebelasyon ni Sangalang ay noong muntik nang masira ang kanyang marriage life. "I came into this competition with an all or nothing mindset. If I have to start from nothing again, I know my wife will be there for me. At a point in my life, I made a very huge mistake against my wife. But we saved our marriage. That's what really gets me, that someone can wholeheartedly support you in spite of you having hurt that person in the past. Our relationship is what inspires me to be The Apprentice. There's so many things that I've done wrong in my life and I just want to fix it. I just want to be a much better person. That's the reason why I am so driven by this. I just want to be able to kind of give back," aniya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page