top of page

Ibinulgar ng 2NE1 co-member na si Park Bom na nagdroga… “I HAVE NEVER USED DRUGS. I WISH HER WELL” — SANDARA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner / K-Buzz | March 5, 2026



Sandara Park at Park Bom - IG / 2NE1

Photo: Sandara Park at Park Bom - Instagram



Binasag na ni Sandara Park ang kanyang pananahimik sa isyung kinasasangkutan niya at ng dating kasamahan sa girl group na 2NE1 na si Park Bom na diumano’y nagdroga sila noon.


Dalawang sentences lang ang ipinost ni Sandara sa kanyang Instagram (IG) Story.

Unang sentence ay upang itanggi ang mapanirang akusasyon sa kanya na paggamit ng droga, at ang pangalawa ay mensahe niya para kay Park Bom. 


Sa kabila ng ginawa sa kanya, mas ninais ni Sandara na magbigay ng mensahe sa dating kaibigan.


Ito ang post ni Sandara, both in English and Korean:

“I have never used drugs. I wish her well.”


Ayon kasi kay Park Bom sa isang handwritten Instagram (IG) post, ang kanyang past drug controversy, lalo na ang paggamit ng prescription medication na Adderall ay ginamit daw para panakip-butas sa isang alleged drug case na kinasasangkutan ni Sandara. 


Iginiit niya na ang gamot ay legal at para sa kanyang Attention Deficit Disorder (ADD) treatment. 


Tinawag din niya ang atensiyon ng YG Entertainment, ang founder na si Yang Hyun‑suk, producer na si Teddy, at fellow 2NE1 member na si CL na huwag siyang i-report sa mga authorities para sa drug use na sinasabi niyang hindi nangyari.


Well, bukod sa pagbibigay ng statement, nag-unfollow si Sandara Park sa dating 2NE1 co-member na si Park Bom.



Wala pa ring kupas ang award-winning actress na si Hilda Koronel noong mapanood namin ang kanyang bagong pelikula na Sisa sa ginanap na red carpet premiere night nito last Monday.


Kahit mahigit isang dekada na since the last time na ginawa ni Hilda ang The Mistress (TM) with Bea Alonzo, hindi kinalawang ang husay niya sa pag-arte.


Nakapag-deliver siya ng powerful performance bilang si Sisa sa pelikula na idinirek ni Jun Lana.


Pinatunayan ni Hilda na isa siyang seasoned artist who understands silence, stillness, and emotional timing. ‘Yan ang makikita ng mga young viewers ng local cinema ngayon from Hilda.


Ang Sisa ay tungkol sa isang babaeng nabaliw matapos masaksihan ang isang brutal na masaker noong panahon ng mga Amerikano.


Ayon kay Hilda, “I’m not doing this to upset anybody. It’s just the story within that setting. This is something Jun Lana really studied. I did not know that we had concentration camps during the American occupation.”


Sinisimbolo raw ni Sisa ang mga nangyayari sa ating bansa ngayon.

“She is the Philippines, in a sense strong, resilient, the epitome of bravery and resistance,” sabi pa ni Hilda.


Swak din ang isa sa mga tema ng Sisa sa pagrespeto sa mga kababaihan sa isyu ng kabastusan na ipinukol sa isang pulitiko.


Incidentally, ang Sisa ang kauna-unahang pelikula na naimbitahan sa series of special screenings ng mga pelikulang nakasentro sa mga kuwento ng kababaihan na hinubog ng kasaysayan, paglaban, memorya, at pagkakakilanlan bilang bahagi ng National Women’s Month sa Lungsod ng Quezon ngayong buwan.


Kasama ni Hilda sa Sisa sina Eugene Domingo, Jennica Garcia at Romnick Sarmenta. Palabas na ang Sisa sa mga sinehan ngayon.


Samantala, kaarawan ngayon ng manager ni Hilda na si Shirley Kuan. Wish namin ang mahaba pang buhay, excellent health, more blessings at projects sa kanyang mga artists na sina Bea Alonzo, Albert Martinez, Andrea Brillantes at Ms. Hilda Koronel.

Happy, happy birthday, SK!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page