top of page
Donny Pangilinan - IG.jpg

Sinundo sa airport… MARIS, PROUD SA PDA NILA NG BF NA AFAM

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | October 22, 2026



Woman in a pale yellow dress smiles, resting her head on a huge bouquet of red roses indoors.

Photo: File / Maris Racal - IG



Spotted ulit si Maris Racal at ang kanyang mystery lover na foreigner sa airport. Nahuli ang aktres nang lapitan niya ang BF at inakbayan siya nito.


Sinuklian din ni Maris ng akbay ang AFAM na naghihintay sa kanya na nakatayo sa tabi ng taxi. 


Kinuha ng guy ang bag niya at inilagay sa trunk ng kotseng sinakyan ng aktres.

Pero sumakay sa front seat ang AFAM habang nasa back seat si Maris.

Dumagsa ang red heart emojis sa comment section ng video:


“Ay, laveeeet (love it)!!!”

“Ang guwapo. Hi, babe daw.”

“Solve si Maris d’yan.”

“Pretty Maris.”


No wonder, super blooming talaga si Maris, ha?





After 11 yrs., nag-face-to-face uli…

LOVE LIFE NI KRIS, INAMIN KAY BOY



IBINUNYAG na ni King of Talk Boy Abunda ang inaabangang reunion nila ni Kris Aquino sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kahapon.


Pagkatapos ng 11 taon, natuloy na rin sa wakas ang pagsasama ng tinaguriang King and Queen of Talk sa two-part TV special ng FTWBA na eere sa October 28 and 29.


Sa teaser ng reunion nila, kumuda si Kris, “Kung babalik man, dapat ang babalikan, ‘yung kasama mo ‘yung hari,” ani Kris.


Pinasalamatan ni Kuya Boy si Kris sa muli nilang pagkikita.


Pahayag ni Kuya Boy, “Kris and I are definitely back. Abangan n’yo po ‘yan, ang pagsasama namin ni Kris nang face-to-face sa television after 11 years.”


Marami raw silang napag-usapan.


“We talked about her health, her resolve to live at ang kanyang pagbabalik-trabaho. We also talked about many possibilities about what we can do together. Abangan n’yo po ‘yan,” paanyaya ni Kuya Boy.


Napag-usapan din daw nila ang tungkol sa love life ni Kris sa mga nakalipas na taon.

“Nakakatuwa po ‘yun,” ngiti ni Kuya Boy.


Naglahad din daw ng pahayag si Kris ng kanyang opinyon sa pulitika at sa mga anak niyang sina Josh at Bimby, na nagbibigay-lakas sa kanya para mabuhay.


“Ang mapapanood ninyo sa aming panayam ay ang Kris Aquino na na-miss nating lahat. Ang Kris na masigla at puno ng buhay. At ang Kris na walang itinatago, ang Kris na napakatotoo,” pramis pa ni Kuya Boy.


Ang paghaharap nilang muli sa telebisyon ay bahagi ng week-long celebration ng kaarawan ni Kuya Boy sa Oktubre 29.


Well, magiging panauhin din ni Kuya Boy sa kanyang week-long celebration sa FTWBA ang iba pang female celebrities na malapit sa kanyang puso – sina Alice Dixson, Andrea Brillantes at Ruffa Gutierrez.

Wow!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page