Kahit nagpa-bazaar pa… DAMIT AT BAGS NI HEART, ‘DI KAYANG BILHIN NG FANS SA SOBRANG MAHAL

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 22, 2026

Photo: FB Heart Evangelista
Dumagsa ang mga fans sa Heart & Friends Closet Party sa Metrowalk Tent sa Pasig. Dito nag-unload at nagbenta si Heart Evangelista ng kanyang mga branded na gamit. Isa nga sa early buyers ay ang aktor na si Alden Richards.
Marami ring fans ang gustong makabili ng mga gamit ni Heart, pero ang problema ay sobrang mahal at hindi kaya ng kanilang budget.
Halos lahat kasi ng gamit niya ay branded, tulad ng Hermès, LV (Louis Vuitton), Christian Dior, Chanel, atbp., kaya kahit ibaba ang presyo ay mahal pa rin.
Kahit na ang isang simpleng scarf ay nagkakahalaga pa rin ng P2,000 hanggang P5,000. Ang bags naman ay P60,000 ang pinakamababang presyo.
Well, kung ikukumpara raw noon sa bazaar ng mga gamit ni Kim Chiu, mas na-afford ng mga fans ang mga ito kaya kahit gustung-gustong bumili ng mga gamit ni Heart ang mga fans para gawing souvenir, hindi nila kinaya. Masyadong sosyal at pangmayaman kasi ang mga damit at gamit ng aktres.
MALAKI ang pasasalamat ni Marian Rivera dahil siya ang napiling gumanap sa Pinoy version ng Marimar, na siyang nagbukas sa kanya ng maraming oportunidad sa kanyang showbiz career. Dati itong sikat na seryeng pinagbidahan ng Mexican singer-aktres na si Thalia, na kinabaliwan ng maraming viewers.
Pagkatapos nito ay nagkasunud-sunod na ang malalaking projects ni Marian sa GMA-7 tulad ng Dyesebel, Darna, atbp., hanggang sa itinanghal na siyang Primetime Queen ng Kapuso Network.
Ngayon, inaabangan na si Marian sa kanyang guesting sa Season 2 ng The Master Cutter na pinagbibidahan ng kanyang mister na si Dingdong Dantes.
Well, willing daw siyang sumabak sa action scenes, kaya ang request niya ay kontrabida ang ibigay na role sa kanya.
At mukhang pinagbigyan naman ito ng production kaya abangan ang paglalaban nina Marian at Dingdong sa action scenes.





Comments