top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

SANDARA, HINANAP ANG MALAKING PICTURE NIYA SA HALLWAY NG ABS-CBN

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 25, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 25, 2023



Napanood namin ang pagge-guest ni Sandara Park sa It's Showtime nitong Sabado, September 23. Aniya, ang huli niyang guesting sa noontime show ay six years ago pa.


Puring-puri naman siya ng mga hosts dahil kahit matagal nang wala si Dara sa 'Pinas ay napakatatas pa rin daw magsalita ng Tagalog. Unlike nga naman sina Anne Curtis at Ryan Bang na hanggang ngayon ay mga bulol pa rin sa kanilang pananalita.


Ani Sandara, "Alam n'yo naman na ABS-CBN ako. Sa Kapamilya ako nagsimula. Kaya lang, napansin ko nu'ng naglalakad ako sa hallway, wala na 'yung malaking picture ko."


Ang sabi naman ni Kim Chiu, "Lahat naman ng picture doon ay tinanggal na."


"Hindi, eh, nakita ko pa rin mga picture n'yo," giit ni Sandara kaya natawa na lang si Kim at sinabi, "Sige, ipababalik natin ang picture mo."


Anyway, nasa It's Showtime si Sandara para i-promote ang first ever niyang album kung saan naroon din ang kanyang sumikat na single noon na Are You In or Out?.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page