Sana raw, Mr. Right na… DEREK, BOTO SA BAGONG BF NI ANGELICA
- BULGAR
- Dec 1, 2021
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 01, 2021

Ngayong kasal na si Derek Ramsay kay Ellen Adarna, wala nang magsasabi na not marrying type ang aktor.
Katunayan, may sinabi siyang magagandang salita sa mga ex niya, lalo na kina Angelica Panganiban at Andrea Torrres.
Among the two actresses, mas matagal naging GF ni Derek si Angge (palayaw ni Angelica). Six years ang naging relasyon nila, compared to Andrea na halos mag-iisang taon lang.
Ani Derek, masaya siya dahil nakikita niyang masaya si Angelica sa bago nitong non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan. At naniniwala ang aktor na ang bagong boyfriend ang talagang para kay Angelica.
Ani Derek sa isang interbyu, “I’m very happy for her. I always say this, I wish her well and to find the right guy… And I think, she found the one that she is going to spend the rest of her life with."
Nakikita raw kasi sa mga larawang ipino-post ng ex niya na super happy ito sa piling ni Gregg.
“She’s super happy. And nakikita mo sa aura niya, nakikita mo sa mata niya. She looks complete, and I wish her well."
Dagdag pa ng mister ni Ellen Adarna, “I wish happiness to all the exes that I had.”
May mensahe rin si Derek kay Andrea.
“Kay Andrea, I wish her well, all the best. Her career is blooming. I pray and I wish she finds her true happiness.
“Hindi nag-workout 'yung sa amin, walang bastusan. You know, we’ve all moved on.”
Naniniwala ang aktor na makakakita rin ang ex ng Mr. Right nito.
“She will find that right person, she’s a wonderful woman.
“We’re just very different. And she will find the perfect match for her. She will.”
May paliwanag din siya sa mga nagsasabing playboy siya. Marami raw kasi siyang naging GF bago naikasal kay Ellen.
Esplika niya, "People always say ang dami kong ex. Pero bilangin n'yo po. Forty-five years old ako, hindi ako 20s or 30s na papalit-palit ng babae. Guys, do the math, check my record. I’m 45.”
Ang iba pang ex ni Derek ay sina Solenn Heussaff at Cristine Reyes, aside from Angelica at Andrea.
May dalawa rin siyang naging GF na non-showbiz, sina Jo-Ann Villablanca na umabot din ng anim na taon ang relasyon, at ang nanay ng kanyang anak na si Austin na si Mary Christine Jolly.




Comments