top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Sana all!!! SANYA, MAY BAHAY AT SASAKYAN NA, MAY BF PA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 21
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 21, 2026



TEKA NGA - SANYA, MAY BAHAY AT SASAKYAN NA, MAY BF PA!-IG _sanyalopez

Photo: Eat Bulaga



Naipakilala na pala ng aktres na si Sanya Lopez sa kanyang Kuya Jak Roberto ang kanyang non-showbiz BF. 


Alam na rin nito na seryoso na ang relasyon ng kapatid.


Masaya si Jak para kay Sanya dahil natagpuan na nito ang kanyang the one. Proud din siya sa mga natamo ng kapatid, mula sa magandang takbo ng career hanggang sa mga naipundar nito.


Nakapagpatayo na si Sanya ng sarili niyang bahay at kamakailan ay nabili na rin niya ang kanyang dream car, isang brand-new SUV na birthday gift niya sa kanyang sarili.


Lahat ng ito ay bunga ng sipag at pagsisikap ni Sanya. Noon, pareho lang na nangangarap sina Jak at Sanya na mabigyan ng break sa showbiz upang maabot ang kanilang mga pangarap.


Hindi rin nila nakakalimutang magpasalamat sa yumaong Master Showman na si German Moreno na tumulong sa kanila noong nagsisimula pa lamang sila sa industriya. Marami silang natutunang aral kay Kuya Germs na naging gabay sa kanilang tagumpay.





Belle, ‘di naman GF… DONNY, ‘DI PUWEDENG TUTULAN KAY BINI MIKHA



TODO-REACT ang mga fans ni Donny Pangilinan sa hayagang pagtutol ng ilang tagahanga ni Belle Mariano nang ma-link ang aktor kay Mikha Lim ng grupong BINI.


Matatandaang ang Tayo Sa Wakas (TSW) na ang huling project nina Donny at Belle bilang love team. Kaya naman para sa ilan, wala nang dapat tutulan kung may ibang celebrities mang maiugnay ngayon kay Donny.


Wala namang kumpirmadong relasyon sina Donny at Belle. Kaya kung ma-link man ang aktor sa iba, wala nang magagawa rito ang mga tagahanga ng aktres.


At kahit na umabot sa P110 milyon ang kinita ng TSW sa takilya, may mga nagsasabing malabo nang muling mapagtambal ang dalawa sa pelikula.


Apat na linggo nang nasa mga sinehan ang TSW na idinirek ni Cathy Garcia-Sampana. Sinamantala naman ito ng DonBelle fans dahil ito na umano ang huling pelikulang pagsasamahan nina Donny at Belle.


Samantala, hindi naman mapipigilan si Donny kung sakaling manligaw o makipagrelasyon sa sinumang gusto niya. Hindi na rin siya dapat madiktahan ng kanilang fans pagdating sa kanyang personal na buhay.





NAIYAK naman sa tuwa at sobra ang emosyon ng Kapuso actress na si Katrina Halili nang tanggapin ang Best Actress in a TV Series Award na iginawad sa kanya ng 15th World Class Excellence Japan Awards (WCEJA) na ginanap sa Heritage Hotel Manila noong June 18.


Nakuha ni Katrina ang parangal dahil sa mahusay niyang pagganap sa seryeng Mommy Dearest (MD) ng GMA-7.


Inialay niya ang kanyang award sa yumao niyang mentor na si Direk Maryo J. delos Reyes.


Noong nabubuhay pa si Direk Maryo J., pangarap niyang makitang manalo ng acting award si Katrina. Nangako pa nga siya rito na gagawa sila ng pelikulang magpapakita ng husay nito bilang aktres.


Ngunit hindi na ito natuloy dahil sa biglaang pagpanaw ng beteranong direktor.

Gayunman, nanatiling gabay ni Katrina ang mga payo ni Direk Maryo J.. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na darating din ang panahon na kikilalanin ang kanyang kakayahan sa pag-arte.


Sa bawat proyektong ipinagkakaloob sa kanya ng GMA Network ay ibinibigay niya ang kanyang buong makakaya, kahit madalas ay offbeat roles ang kanyang ginagampanan.


Ipinagpapasalamat din ni Katrina Halili na tuluy-tuloy ang kanyang mga proyekto sa GMA-7 dahil malaking tulong ang mga ito sa pagtataguyod niya sa kanyang unica hija na si Katie.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page