Sana all! RABIYA, MAY JOHN LLOYD NA, MAY BONG PA
ni Nitz Miralles - @Bida | November 2, 2021

Hindi pa pormal na ipinakikilala si Rabiya Mateo na Kapuso contract star, pero sunud-sunod na ang guesting nito sa mga shows ng GMA-7. Tampok si Rabiya sa isang segment ng Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday.
Isa rin si Rabiya sa mga magbibida sa isang episode ng Wish Ko Lang this November.
Sila nina Jeric Gonzales at Kim Rodriguez ang magkakasama sa Nov. 27 episode na Magkaibigan.
Si Rabiya rin daw ang makakasama ni John Lloyd Cruz sa sitcom ng aktor sa Kapuso Network at si Rabiya rin ang binabanggit na isa sa dalawang leading ladies ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Book 2 ng Agimat ng Agila.
At least, kapag ipinakilala na si Rabiya sa press o kaya’y pumirma na ng kontrata, may mga projects na siyang mababanggit.
Kailan naman kaya matutupad ang dream ni Rabiya na makatrabaho si Alden Richards?





Comments