Sana all! JILLIAN, MAY MANSIYON NA, MAY BAGONG BMW PA
- BULGAR
- Nov 17, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | November 17, 2021

Finlex ni Jillian Ward sa Instagram ang bago niyang car at may napa-"wow” at “sana ol" sa kanyang mga followers dahil BMW ang car na parang sports car pa yata.
Sapat na ang caption ni Jillian sa post niya na “my new baby car” para matuwa at humanga sa kanya ang kanyang mga fans.
Imagine nga naman, at her age, may sariling car na ang Kapuso actress at BMW pa!
May mga nag-apply na driver at marami ang nag-congratulate sa kanya at may tumawag pa sa kanyang “chick na may tsikot.”
Maaalalang nagpagawa rin ng malaking bahay sa Pampanga si Jillian and her family. Ibig sabihin, marunong siyang humawak ng pera at may sarili ring pera ang pamilya para makapagpatayo ng bahay at may sarili ring pera si Jillian para makabili ng BMW.
Anyway, inaabangan na ang Book 2 ng Prima Donnas na isa si Jillian sa mga bida, pero totoo kayang next year pa ang airing nito?
Hindi na makapaghintay ang mga sumubaybay sa hit Afternoon Prime, no choice lang sila kundi maghintay.





Comments