Sana all! DOMINIC, P100 K NA ASO AT P60 K NA RED ROSES ANG B-DAY GIFT KAY BEA
- BULGAR
- Oct 21, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 21, 2021

Maraming nag-abang at nakibalita kung ano ang birthday gift ni Dominic Roque sa kanyang “Hun” na si Bea Alonzo na nag-celebrate ng kanyang 34th birthday.
Ang ine-expect ng ilang BeaDom fans ay magpo-propose na si Dominic sa kanyang lady love tutal ay nasa tamang edad na sila upang magpakasal.
Pero, walang naganap na proposal dahil nga sa marami pang showbiz commitments ang aktres na dapat tapusin. Kapipirma pa lang niya ng kontrata sa GMA-7.
Ganunpaman, masaya at memorable ang 34th birthday celebration ni Bea. Bumuhos ang maraming pagbati mula sa mga kamag-anak, malalapit na kaibigan, mga kasamahang artista at mga tagahanga.





Comments