top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sama-sama nu’ng Bagong Taon… IAN AT MATET, DUMALAW NA KAY NORA, LOTLOT DEDMA PA RIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 03, 2022





Maraming Noranians ang natuwa sa balitang dumalaw sina Ian at Matet de Leon sa kanilang inang si Superstar Nora Aunor bago nag-Bagong Taon.


Kasama ni Ian na dumalaw ang kanyang misis at ang kanyang anak, ganu’n din si Matet na kasama ang kanyang mister at mga anak nila.


Masayang-masaya naman ang Superstar dahil naalala siyang dalawin ng kanyang mga anak. Para sa isang ina na tulad ni La Aunor, walang katumbas na kaligayahan kapag nakakasama niya ang mga anak.


Matagal-tagal din na nagkatampuhan si Ian at ang kanyang Mama Guy. Marahil, panahon na rin ang gumawa ng paraan upang muli silang paglapiting mag-ina.


Balitang pati raw si John Rendez ay binati na rin ni Ian at okey na ang lahat.


Ang inaabangan-hinihintay na lang ng mga Noranians ay kung kailan naman dadalaw si Lotlot sa kanyang Mama Guy.


For sure, isa ‘yan sa mga dinarasal-dasal ni La Aunor upang ganap nang mapanatag ang kanyang kalooban. Nawa’y maayos na rin kung anuman ang naging tampuhan nina Aunor at Lotlot.


Sa panahon ngayon na binago ng COVID pandemic ang ating kapaligiran, nararapat lang na magkapatawaran at magkasundo na ang lahat.


Kalimutan muna ang galit at sama-samang harapin ang mga hamon ng buhay. Ngayon dapat na magbuklud-buklod ang pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page