top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

SAM, HAPPY NA MAGKASAMA NA SILA SA IISANG ‘BAHAY’ NI RHIAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 18, 2023



Ewan kung sinadyang biro o nadulas lang talaga si Tutok to Win Partylist Representative Sam Verzosa sa binitawan nitong linya na “Masaya naman ho kami lalo’t magkasama na kami sa isang bubong ngayon,” na ang tinutukoy ay ang kanyang Kapuso girlfriend na si Rhian Ramos.


Kinumusta kasi kay Sam sa mediacon ng Dear SV na nasa Season 2 na ngayon at mapapanood na nga sa GMA-7 tuwing Sabado, 11:30 PM, ang status ng relasyon nila ni Rhian.


Hindi naman nagdamot si Sam — na mas kilala ngayon bilang si “SV” ng kanyang mga natutulungan sa programang Dear SV — sa pagkukuwento sa relasyon nila ni Rhian.


Pag-amin niya, dahil nga raw kay Rhian kaya inilipat niya ang Dear SV sa GMA-7 na dating napapanood sa CNN. Masaya raw siya na magkasama na sila ngayon sa iisang bubong.


May ilang taon na rin ang relasyon nina Sam at Rhian, kaya tinanong namin ang kongresista-businessman (Frontrow, Maserati, etc.)-philanthropist-TV host kung ang GF na ba ang nakikita niyang ‘the right one’.


Diretso namang sinabi ni SV na si Rhian na nga ang nakikita niyang ‘end-game’ niya at napag-uusapan naman na rin ang pagpapakasal, pero sa ngayon, hindi pa raw niya nararamdaman na kailangan na nga nilang magpakasal.


Naniniwala raw siyang kusang darating ang time na ‘yun nang hindi pinipilit.


Basta happy daw siya na supportive si Rhian sa kanyang mga advocacy na pagtulong sa pamamagitan ng kanyang Dear SV show na napakarami nang nabigyan ng ayuda.


Nilinaw din ni Sam na wala sa ambisyon niya ang tumakbong pangulo ng Pilipinas kaya niya ginagawa ito. Bago pa raw nag-pandemic ay tumutulong na sila at ginagawa niya ito bilang pagbibigay-tribute sa kanyang yumaong ama na nag-inspire sa kanya para tumulong.


Anyway, sa Season 2 ng Dear SV, looking forward si Sam na mas marami pa silang matulungan mula sa iba’t ibang lugar sa buong Pilipinas.


Tutukan ang mga bagong episodes ng Dear SV sa GMA-7 simula ngayong Sabado, 11:30 PM.

JANE, NAGSALITA NA SA PAGKAKA-LINK KAY EX-GOV.CHAVIT SINGSON



Isa pang artista ng SRR Extreme ang nakapanayam namin sa mediacon, si Jane de Leon na kasama naman sa Rage episode ng sikat na horror film.


Bukod kay Janella Salvador, naging laman din kasi ng mga blind items si Jane na inili-link sa dating governor ng Ilocos Sur na si Chavit Singson.


Kaya naman nang itanong namin kay Jane kung aware siya rito, natawa lang siya at ang sabi, ni hindi pa nga raw niya nami-meet si Chavit, sabay “Hi!” sa negosyante-dating pulitiko at sana raw ma-meet din niya someday.


Nagbiro pa si Jane na baka raw ‘nabunot’ lang siya, na kung anuman ‘yung tinutukoy niyang ‘nabunot’ ay siya lang ang nakakaalam, haha!


But in fairness kay Jane de Leon, na-appreciate namin ang pagiging mabait nito sa press at very accommodating, kesehodang ang daming isyung ibinabato sa kanya, sinagot niya lahat with flying Darna, este colors pala, hehe!


Kaya wish namin na mas gumanda pa ang career ni Jane sa 2024 at mabigyan uli siya ng magandang project.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page