top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa

Sakay ang MMDA official, dumaan sa busway, plaka fake, may blinker, wang-wang, etc... Drayber ni Torre, binawian ng lisensya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni BRT @News | September 8, 2026



Ang MMDA patrol car na dumaan sa busway - LTO

Photo:LTO



Pormal nang ni-revoke o binawi ng Land Transportation Office ang lisensya ng driver ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III na nahuling dumaan sa EDSA Busway.


Lumabas sa pagsusuri ng ahensya na sangkot ang driver sa ilan pang paglabag tulad ng paggamit ng plakang nakatalaga sa ibang sasakyan at pagkakabit ng ‘di awtorisadong kagamitan at marka.


Nananatiling naka-impound sa LTO Central Office ang nabanggit na sasakyan. 

Una nang inamin ni Torre na sakay siya ng SUV nang mangyari ang insidente at sinabi niyang siya ang may-ari ng sasakyan. 


Ayon sa mga ulat, isa itong armored vehicle na nabili niya sa halagang P3.5 milyon mula sa isang religious organization. Sinabi rin niyang binili niya ito sa marketplace.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page