top of page
Search

by Info @News | January 2, 2025



wet and dry market

Photo File: MMDA



Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na may partikular na klase lamang ng mga electric bike o e-bike ang papayagang dumaan sa bicycle lanes sa EDSA kasunod ng pagbabawal nito sa mga highway sa Metro Manila simula ngayong Biyernes, Enero 2.


“‘Yung e-bike na dalawa ang gulong pero mistulang motorsiklo na talaga siya — higher CC — mga malalakas, mga matutulin, hindi puwede sa bike lane kasi baka makaaksidente,” ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao.


Idinagdag din niya na ang mga two-wheels at may bigat na 50 kg pababa lamang ang papayagan sa bike lane ng EDSA.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 10, 2024



ree

Inihayag ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ngayong Linggo na nahuli nito ang halos 3,500 na traffic violators sa buwan ng Pebrero.


Ibinunyag ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III na ayon sa pinakabagong datos mula sa LTO-NCR Traffic Safety Unit (TSU), nahuli ng Law Enforcement Unit at Law Enforcement Team ng ahensiya ang 3,447 mga motorista noong Pebrero 2024 dahil sa iba't ibang paglabag sa batas-trapiko.


Isa sa mga batas na nilabag ang Republic Act (RA) 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code. Kasama rito ang kaso na may kinalaman sa mga hindi rehistradong sasakyan, na tumutugma sa 'No Registration, No Travel' policy.


Isinalaysay ni Verzosa na nahuli rin ang ilang mga motorista na nagmamaneho ng mga sasakyang may mga defective accessories, devices, o equipments.


Sa parehong panahon, nahuli ang ilang motorista dahil sa hindi paggamit ng seatbelt. Bukod dito, may mga pinatawan ng parusa dahil sa hindi pagsusuot ng tamang helmet.


Binigyang-diin naman ni Verzosa na magpapatuloy ang pinaigting na kampanya sa trapiko sa buong taon.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 18, 2023



ree

Maglalabas ng isang milyong license plate kada buwan ang Land Transportation Office (LTO) upang malutas ang kanilang problema sa backlog.


“We are now producing one million plates a month. We have dedicated machines that cater only to motor vehicles,” sabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II sa isang pahayag.


“And, of course, focus on production para sa mas maraming backlog sa plaka ng motorsiklo,” dagdag niya.


Sa kasalukuyan, mayroon nang backlog na 13 milyon sa mga plaka ng motorsiklo ang LTO.


“With the current production rate, we will be able to wipe out the backlog for motorcycles by early 2025,” sabi ni Mendoza.


“Mas marami kase ito, pero we are confident of addressing it. We are on the right track,” paliwanag niya.


Layunin ng ahensiya na matanggal ang backlog na 80,000 sa mga plaka ng sasakyan bago matapos ang Nobyembre.


Nais din nilang mapaikli ang panahon ng paghihintay para sa bagong license plate sa 7 hanggang 10 araw mula sa pagpasa ng mga dokumento ng sasakyan.


Sa kasalukuyan, ang prosesong ito ay tumatagal nang buwan.


“We estimate that the current demand for motor vehicle plates is around 2,000 vehicles a day. So [multiplied by] two for the front and back plates], so it’s 4,000 a day,” sabi ni Mendoza.


“We have that capacity. There’s no reason why a buyer who comes to you now will have to wait months to get their plates,” dagdag niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page