top of page

Sagot sa krisis — PBBM... 20% discount sa pasahero, P40 bayad sa operator, P10 ayuda sa drayber

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Mylene Alfonso @News | April 10, 2026



PBBM Bongbong Marcos

Photo: FB / Bongbong Marcos



Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang P10 kada litro na fuel subsidy para sa mga public utility vehicles (PUVs) upang maibsan ang pasanin ng mga driver at operator sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng krisis sa Middle East.


Sa kanyang video message, sinabi ni Marcos na ang fuel subsidy para sa mga PUV ay lilimitahan sa 150 litro kada linggo, at ipatutupad ito sa loob ng tatlong buwan. Una itong ipatutupad sa Metro Manila.


“Magpapatupad tayo ng P10 kada litro na bawas para sa public utility vehicle na may maximum na 150 liters kada linggo sa loob ng tatlong buwan,” pahayag ni Marcos.

“Sisimulan muna natin ito sa NCR sa susunod na linggo. Una sa Commonwealth, palalawakin natin ito sa mga susunod na araw sa Quezon Avenue, España, Zapote, A. Bonifacio, Rizal, at Marcos Highway hanggang mapalawak natin ito sa buong bansa,” wika ng Pangulo.


Layunin din aniya ng naturang hakbang na maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang mga produkto.


“Ang fuel subsidy ay ipapatupad lamang sa mga lehitimong gasoline station na aprubado at mino-monitor ng Department of Energy upang masigurong mapupunta ito sa tama at hindi ito maabuso,” diin niya.


Kaugnay nito, inanunsyo rin ng Pangulo ang isang service contracting program na magbabayad sa mga driver at operator ng public utility vehicles (PUV) ng P40 hanggang P100 kada kilometro, at magbibigay ng 20% na diskwento sa pamasahe para sa mga pasahero ng PUV.


Sinabi ng Pangulo na ang programa ay ipatutupad ng Department of Transportation simula Abril 15 at sakop nito ang 50,000 PUV, 1,000 operator, at 15 milyong pasahero sa buong bansa.


Nabatid na ipatutupad ang service contracting program sa mga oras na hindi matao (off-peak hours) upang matiyak na may masasakyan ang mga commuter kahit lampas sa rush hour.


"Lahat ng sasali ay may GPS monitoring para naman matiyak na actual ang biyahe at maayos ang serbisyo. Patuloy ang biyahe, patuloy ang hanapbuhay," diin ni Marcos.


“Sa ilalim ng programang ito, babayaran namin ang ating mga operator at driver ng mula

P40 hanggang P100 kada kilometro,” ayon sa Chief Executive.


Dagdag pa ng Pangulo na hindi bababa sa 20% na diskwento sa pamasahe ang ibibigay sa mga commuter upang maibsan ang kanilang pasanin sa gitna ng epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.


“Para naman sa mga commuter, may kasamang hindi bababa sa 20 porsyento na diskwento sa pamasahe. Ang mga ruta ay nakatuon sa mga lugar na may koneksyon sa tren at pangunahing mga bus route upang maging mas maayos, mabilis at maaasahan ang biyahe,” paliwanag ni Marcos.


“Ipapatupad ito sa buong bansa. Sasaklaw sa humigit-kumulang 50,000 na PUV, 1,000 operator at aabot sa 15 milyong pasahero,” saad ng Pangulo.alkalde ng Maynila na ginawan kami ng pamamaraan para buhatin ang aming upuan.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page