top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Safe raw sa magnanakaw… IWA: BAHAY NAMIN, ‘DI AGAD MAPAPASOK DAHIL 2 ANG CCTV, COLORED PA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 9, 2023



Nagsalita na si Iwa Moto tungkol sa viral video ng pag-akyat sa bakod ng kanyang stepson na si Thirdy Lacson na as we all know ay anak nina Jodi Sta. Maria at Pampy Lacson na partner niya ngayon.


Na-bash kasi nang bonggang-bongga si Iwa matapos niyang i-post ang CCTV footage ng ginawa ni Thirdy na pag-akyat sa bakod ng bahay nila nang madaling-araw.


Ayon sa mga netizens, hindi na raw dapat ipinost pa ni Iwa ang pagsampa sa bakod ni Thirdy dahil baka makakuha pa ng ideya ang mga magnanakaw at pasukin ang kanilang bahay.


Sa kanyang TikTok video, sinabi ni Iwa na walang dapat ipag-alala ang mga concerned netizens dahil hindi naman basta-basta makakapasok sa bahay nila ang kung sinuman kahit pa umakyat sa bakod ang mga ito.


Hindi raw ito ang unang pagkakataon na ginawa ni Thirdy na umakyat sa bakod at kahit nga raw siya ay nagawa na niya ‘yun dahil mababa lang talaga ang bakod nila at puwede talagang akyatin ng kahit sino.


“Sa lahat ng concerned diyan, siyempre, alam ko naman, gets ko naman ‘yung concern ninyo na baka pasukin kami, pero definitely, I doubt that they will do that kasi, guys, sa harap pa lang ng gate namin, dalawa na po ang CCTV namin,” paliwanag ni Iwa.


“Tapos, lahat po rito sa bahay namin, nakasarado po. Saradung-sarado ‘yung bahay namin.


“Nag-reinforce kami ng mga locks dito sa bahay, tapos, siguro naman, matatakot ‘yung tao na umakyat sa bakod namin kahit mababa siya kasi, guys, again, ‘yung footage na ‘yun is at 12 midnight,” sey pa niya.


Ang bongga rin ng paliwanag ni Iwa na high-tech ang kanilang CCTV.


“‘Yung inilagay kong CCTV, colored siya, kahit gabi, ganu’n. Kaya mahiya naman po ‘yung sasampa ng bakod ko na ibang tao, ‘di ba? And may motion detector po kasi ‘yun. So every time po, guys, na may gumagalaw po diyan, automatic po, nagre-record siya at nagno-notify sa cellphone ko.”


Alam din ni Iwa na hindi minasama ng nanay ni Thirdy na si Jodi ang kanyang post dahil kilala raw siya ng aktres.


“Guys, kami ni Jods, sobrang tropa ko siya. Alam niya na makulit ako and I always do pranks dito sa bahay namin at alam ni Jods ‘yun.


“Kaya ko ipinost ‘yun, hindi ko gustong ipahiya ‘yung anak ko. I find it really, really funny saka it brings back memories kasi ang tatay niya, sampang-bakod din ‘yan,” sabi pa ni Iwa.

So, there.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page