top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sabihin daw ang totoo, Luis…YNNA, TO THE RESCUE SA GUMAWA NG ENGAGEMENT RING, NAGPATUTSADA KAY JESSY

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2020
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 17, 2020




Masyado yatang nagiging kontrobersiyal ang engagement ring ni Jessy Mendiola.


May post kasi si Jessy na siya ang nag-design ng singsing na ibinigay ni Luis Manzano with collaboration ng Manila Diamond Studio.


Ang Radiant Lux Jewelry Company ay nagsasabi namang foul ang ginawa ng aktres sa engagement photos dahil hindi man lang daw sila binigyan ng proper credit gayung sila umano ang gumawa ng singsing.


Pumasok sa eksena ang aktres na si Ynna Asistio at dinepensahan ang jewelry store na umaapela.


Sa recent vlog ni Jessy, kinlaro niya ang isyu tungkol sa singsing. Ibinahagi niya sa publiko ang kanyang side.


Base naman sa naunang report, sinabi ni Jessy na may kaibigan siyang isa sa mga tao behind the Radiant Lux Jewelry. Pinayagan daw itong isuot niya ang supposed to be engagement ring mula kay Luis nu’ng time na nag-break sila last May this year.


Bilang parte rin ng RLJ, ibinahagi naman ni Ynna sa kanyang Instagram Story ang opinyon niya tungkol sa kontrobersiyal na singsing ni Jessy.


Post ng anak ni Nadia Montenegro in capital letters, “YOU FORCED IT OUT ON HER. YOU KNOW THAT TRUTH. YOU BOTH KNOW THE TRUTH. SPEAK THE TRUTH.”


Sa sunod niyang post, malinaw na ang tinutukoy niya ay ang tungkol sa jewelry.


“Also, jewelry making is an art… regardless if pieces are sponsored or commissioned…credit is still to be given to the creator.”


“An Amorsolo painting will always be an Amorsolo kahit na binayaran mo pa 'yan ng milyones.”


“My Opinion!!!”


Dugtong pa niya, “Last: Design input/pegs don’t make you a designer."


Marami tuloy ang nagtatanong kung si Ynna raw ba ang may-ari ng Radiant Lux Jewelry dahil sa kanyang pagtatanggol dito?


“Yaaaaan! Siya ba may-ari ng Radiant?”


“One of the owners,” sagot ng isang netizen.


Kani-kanyang tanungan ang bawat netizen, “Whose side is she? Sorry, mahina ang signal ng brain cells ko.”


May nagsasabing hindi raw nagsasabi nang totoo si Jessy.


“Looks like Jessy wasn’t telling the truth daw. Parang hindi totoo na ‘ipinasuot’ sa kanya 'yung ring. Mukhang finorce niya raw. Parang ganu'n intindi ko.”


“Huh? Ang intindi ko naman, tama 'yung story ni Jessy.”


“Is she close to either one of them to assume she's talking about them? Curious lang po...”


At para raw sa mga curious, “She’s (Ynna) close with the owner ng Radiant. Sosyo rin sila sa business.”


“Siya kasi ang resident sales person ni Radiant. although she is diamonds graduate ng GIA. Si radiant, GG...”


“She’s also a jeweler of Radiant.”


May nagsasabi namang magpakita na lang daw ng receipt sinuman kina Jessy o Luis o kaya, ang jewelry store, para malaman daw kung sino ang nagsasabi nang totoo sa kanila.


Oh… very well said.!!!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page