Saan puwedeng magsampa ng kaso kaugnay ng OFW?
- BULGAR

- Mar 13, 2021
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 13, 2021
Dear Chief Acosta,
Dati akong overseas Filipino worker (OFW) na hindi napasuweldo ng tama ng aking employer sa abroad at hindi rin binigyan ng tulong ng aking ahensiya kaugnay nito. Nais ko silang habulin, sa pamamagitan ng pagrereklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC), ngunit hindi ko alam kung saang lugar ito nararapat isampa. – Evan
Dear Evan,
Para sa inyong kaalaman ang Section 1 (e), Rule IV ng 2011 NLRC Rules of Procedure, as amended, ang panuntunang naaangkop sa inyong sitwasyon. Ayon sa nabanggit:
“SECTION 1. VENUE. a) xxx
e) Cases involving overseas Filipino workers may be filed before the Regional Arbitration Branch having jurisdiction over the place where the complainant resides or where the principal office of any of the respondents is situated, at the option of the complainant. (Binigyang-diin)Malinaw sa nabanggit na panuntunan na ang mga kaso kaugnay ng overseas Filipino workers (OFW) ay maaaring isampa sa Regional Arbitration Branch na nakasasakop sa lugar kung saan siya naninirahan, o di kaya ay sa lugar na nakasasakop sa pangunahing tanggapan ng agency o respondents. Ang karapatang pumili ng alinman sa dalawa ay nakasalalay sa complainant o OFW.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalam sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments