Sa wakas!... LUIS, NIYAYA NA NG KASAL SI JESSY
- BULGAR

- Dec 13, 2020
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 13, 2020

Bagama’t inamin na nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na engaged na sila base sa mga larawang nakatingin sila sa diamond ring na suot ng aktres na ipinost nila sa kani-kanilang Instagram account na may caption na: “This Saturday. #thehowhows” at “#TheHowhows" ay hindi pa rin nila sinabi kung kailan ang eksaktong petsa ginanap ang marriage proposal ng TV host sa kanyang future wife.
Saktong 12:10 ng tanghali nitong Sabado ay ipinost na nina Luis at Jessy ang larawan nilang pareho nilang tinitingnan ang diamond ring na suot ng dalaga.
Ang caption ni Luis, “The HowHows (emoji 2 red hearts),” at sabi ni Jessy, “YES.
Engaged na finally sina Luis at Jessy pagkalipas nang apat na taong magkasintahan.
Nitong Biyernes ay ginulat ng magkasintahan ang kanilang mga followers sa social media account nila sa video post nilang “12.12.20” na nakaguhit sa puting buhangin sa resort kung saan sila naka-check-in.
Ibig bang sabihin ay kahapon ng 12:10 PM (oras ng post ng larawan nila) ginawa ni Luis ang proposal niya kay Jessy o earlier? Wala naman kasing pruweba na lumuhod siya sa aktres na karaniwang ginagawa ng mga lalaking nagpo-propose.
Araw din ng Biyernes nang i-post ni Jessy ang: “When the time is right, I the Lord will make it happen," kasabay nga ng petsang “12.12.20.”
Naalala namin ang sinabi sa amin noon ni Luis, “Gusto ko kasi, kung magpo-propose ako, ‘yung wala sa isipan niya o hindi siya nag-e-expect. Kaya hangga’t maaari, ayaw kong pag-usapan kasi laging mauudlot,” nang makausap namin siya sa taping ng World of Dance nu'ng Enero, 2019.
Base sa mga naglabasang larawan ay mukhang may ideya si Jessy dahil naka-formal wear sila na ginawa sa exclusive resort, may hired photographer o posibleng isinabay sa isang photo shoot para sa product endorsement at saka nag-propose si Luis?
Sampung minuto pa lang ang nakalipas nang i-post nina Luis at Jessy ang kanilang larawan ay ang dami na agad bumati sa kanila mula sa showbiz at mga netizens na followers nila.
Mula sa pahayagang BULGAR, ang aming pagbati kina Luis at Jessy.





Comments