ni Julie Bonifacio @Winner | March 1, 2024
Nagparinig na si Luis Manzano ng kanyang intensiyon na pasukin ang pulitika. Gaya ng haka-haka ng marami, sa Batangas nakatakdang tumakbo si Luis for a top public post sa susunod na halalan.
Nagpahayag si Luis ng kanyang intensiyon na makapaglingkod sa Lipa, Batangas sa video na kuha sa wedding nila sa Palawan ni Jessy Mendiola.
Sa simula ng video ay mapapanood na kinakausap ni Luis ang kanyang ama na si Edu Manzano at BFF na si Alex Gonzaga during the wedding reception. At kasunod nito’y makikitang kasama na ni Luis sa video ang kanyang stepdad na si Sec. Ralph Recto at si Mikee Morada, mister ni Alex.
Dito na nagbitiw ng kanyang pahayag si Luis na nagbibigay-kahulugan na go na talaga ang TV host sa pagpasok bilang public servant ng Lipa.
Pagbubulgar ni Luis, “Basta ako, eto ang tatlong mukha para sa Lipa,” sabay ngumanga. “Mga tatlong mukha para sa Lipa,” at saka tumalikod ng mukha niya paharap kay Sec. Ralph, tapos sabay tango ni Luis.
Aprubado naman kina Sec. Ralph at Mikee ang sinambit ni Luis tapos ay tumawa nang malakas ang mister ni Jessy.
Matatandaan na ang lakas ng ingay na tatakbo si Luis bilang mayor ng Lipa, bago pa ang naganap na huling eleksiyon. Pero, hindi nagkakatotoo ang hinuha ng marami tungkol sa pagtakbo ni Luis.
Hanggang sa pumutok ang balita tungkol sa mga reklamo ng mga nag-invest sa kanyang fuel company.
Para sa kampo ni Luis, paninira lang ang lahat lalo pa nga’t matunog ang balitang pagpasok niya sa pulitika.
At na-dismiss din ang reklamong isinampa against Luis ng mga nag-invest sa kanyang kumpanya.
Ang tanong, uupuan kaya ni Luis ang dating puwesto ng kanyang ina at dating Mayor ng Lipa na si Vilma Santos bilang pinuno ng bayan o aabante agad siya sa pagka-gobernador ng lalawigan ng Batangas?
Anuman ‘yan, for sure, pasado agad si Luis as a public servant with flying colors pa.
Comments