top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sa relasyon nila ngayon ni Aljur… "OKAY NA KAMI" — KYLIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 29, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 29, 2021




“Okay na kami,” ang deklarasyon ni Kylie Padilla tungkol sa relasyon nila ngayon ng asawang si Aljur Abrenica.


Sinabi ito ni Kylie sa heart-to-heart talk nila ng amang si Robin Padilla na inilabas ng aktres sa kanyang YouTube channel.


Sa vlog na may titulong The Conversation I Never Had with My Papa, maraming napag-usapan ang mag-ama at kabilang na rito ang mga memories nila noong bata pa si Kylie at karamihan nga rito ay ngayon lang nalaman ng manonood.


Sa nasabing vlog ay si Kylie ang nagtatanong kay Binoe pero sa huli ay binigyan niya naman ng pagkakataon ang ama niya na magtanong ng isang tanong sa kanya.


“Okey na kayo?” ang tanong ni Binoe na ang ibig sabihin ay ang relasyon nina Kylie at Aljur.


“Okay na kami. Thank God,” sagot ni Kylie. “Ayoko nang mag-ano, basta ang importante, okay kami sa mga bata.”


Tanong ni Binoe, “Masakit pa ba?”


Ani Kylie, “To be honest, Pa, ang mahirap lang talaga ru’n sa nangyari sa amin is never ko nang mae-enjoy ‘yung pinapanood ko silang naglalaro.”


Dagdag pa niya, “'Yun lang talaga ‘yung isang bagay na nagtatanong ako, ‘Tama ba ‘to o hindi?’ Pero kung titingnan ko as a whole, mas maganda ‘yung nangyari ngayon kasi hindi na kami toxic.


“Mahapdi sa aking puso na hindi ko na ‘yun makikita, mae-enjoy, in that way na buo kami.


Mas happy na ako ngayon. Realistically.


“Kasi after ng mga nangyari, hindi na ako makakabalik du’n, eh.”


“Saan?” tanong naman ni Binoe.


“Du’n sa kung paano ako before. Masyado nang maraming nangyari,” sagot ni Kylie.


“Ako naman yata ngayon ang malulungkot. So, wala na talagang pag-asa?” tanong ulit ni Binoe.


And Kylie’s answer: “It’s best for what it is now. Kasi tinitingnan ko rin, in the future, maging friends kami talaga. Ngayon kasi, siyempre, after ng nangyari, we’re friends. Pero there’s a distance. Dumidistansiya na ako kasi siyempre, nagulat ako, eh.


“Pero bilang nanay nga ng mga anak ko, I have to be civil, try to be the better person, mas mature na tao.


“Naging klaro lang kung nasaan ang priorities niya. So, it made it more clear to me. Pero bilang nanay din ng mga anak ko, Pa, masakit sa akin ‘yun na hindi ko na nga mae-experience ‘yun sa kanila.”


Sinabi rin ng aktres na masaya rin siya na makitang okay naman ang relasyon ng kanyang dalawang anak sa ama ng mga ito.


“Kaya nga I have no shame in saying na ini-stalk ko pa rin kasi gusto kong makita na ‘Oh, okay, masaya sila,’ na buo pa rin 'yung relasyon nila bilang mag-tatay. So, happy na ako.


“Siyempre, on my side, may guilt, eh, kasi sorry, 'yun lang,” she said.


“Pero ready na akong mag-move forward talaga,” pag-amin pa ni Kylie.


“Hanggang saan ba 'yung kaya ko bilang babae na mag-isa lang ako, ganu'n, so I’m okay.”


Tinanong ni Robin ang anak kung masaya ba ito at nakangiting sagot ni Kylie, “Yes.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page