Sa panahon ng kalamidad, prayoridad ang kabataan at kababaihan
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 03, 2021
Ang Republic Act (R.A.) No. 10821 na kilala sa maikling titulo bilang “Children’s Emergency Relief and Protection Act” ay isinabatas upang mabigyan ng proteksiyon ang kabataan sa panganib na dulot ng mga kalamidad at iba pang sitwasyon na sinasagupa ng ating bansa na maaaring magdulot ng ikapapahamak ng kanilang kaligtasan sa buhay. Ayon sa nabanggit ng batas, ang kabataang sakop nito ay iyong mga may edad 17 at pababa at itinuturing na hindi kayang pangalagaan ang kanilang sarili dahil sa kanilang pisikal na kapansanan o kakulangan sa pag-iisip. Nakapaloob sa polisiya ng R.A. No. 10821 ang mga sumusunod:
“Sec. 2. Declaration of Policy. – It is hereby declared the policy of the State to protect the fundamental rights of children before, during, and after disasters and other emergency situations when children are gravely threatened or endangered by circumstances that affect their survival and normal development. Guided by the principles on survival and development, on child participation, and consistent with the United Nations Convention on the Rights of the Child, as well as the Children’s Charter for Disaster Risk and Reduction, and the minimum standards for children in humanitarian action, the State shall establish and implement a comprehensive and strategic program of action to provide the children and pregnant and lactating mothers affected by disasters and other emergency situations with utmost support and assistance necessary for their immediate recovery and protection against all forms of violence, cruelty, discrimination, neglect, abuse, exploitation and other acts prejudicial to their interest, survival, development and well-being.”
Ang naatasang ahensiya para sa implementasyon ng mga probisyon ng batas ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan ito ang magpo-formulate o magbabalangkas ng Comprehensive Emergency Program para sa mga nabanggit na kabataan at malaya itong makipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan para sa implementasyon ng mga programang isasagawa. Ang mga lokal na pamahalaan ay inaatasan din na isama nila ang programang ito sa kani-kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) plans at budget.
Inaatasan din ang mga lokal na pamahalaan na maglagak ng mga emergency evacuation centers at maghatid ng mga basic necessities o pangunahing pangangailangan ng mga batang ito at ng kanilang mga pamilya ayon sa limitasyon na isinasaad ng batas. Ito ay pagkain, tubig, gamot, damit, at iba pang pangangailangan, tulad ng kumot at kulambo. Bibigyang-prayoridad ng programa ang pangangailangan ng mga buntis, nagpapasusong ina at mga batang may edad lima pababa at mga batang mayroong espesyal na pangangailangan.
Kapag naideklara na ang national o local state of calamity, ang Philippine National Police (PNP) ang DSWD, sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) operating units sa lugar at maging ng mga local councils laban sa trafficking at violence sa kababaihan at ng kanilang mga anak ay magtatalaga ng mga pinaigting at komprehensibong pamamaraaan at monitoring para maiwasan ang child trafficking, labor, at prostitution, pati ng domestic at sexual violence, sa lugar kung saan naideklarang nasa ilalim ng state of calamity. Ang perang kakailanganin para sa programang ito ay kasama sa taunang budget na nasa General Appropriations Act (GAA).





Comments