Sa pagkamatay ng 2 Ateneo players — NBI... Coach Baldwin, 11 pa, tutuluyan sa DOJ
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | July 14, 2026

Photo: Tab Baldwin - Ateneo de Manila University
Sasampahan sa Department of Justice (DOJ) ng kasong reckless imprudence resulting in two counts of homicide ang dating head coach ng men's basketball team ng Ateneo de Manila University at 11 iba pa.
Kahapon, inirekomenda ng NBI ang pagsasampa ng mga kaso sa dating head coach ng Ateneo de Manila University na si Tab Baldwin at 11 iba pa kaugnay ng pagkamatay ng mga estudyanteng atleta na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili.
Ang nilalaman ng rekomendasyon ng NBI ang reklamong reckless imprudence resulting to two counts of homicide laban kay Baldwin; strengthening at conditioning coaches na sina Ceasar Vincent “CJ” Elumba at Grant Dearns; assistant coaches Reynaldo Jacinto Jr., Dean Caesar Castaño, Sandro Nicholas Soriano, at Hernan Ameer “Buboy” Domingo; at ang Ateneo physical therapist na si John Eric Rueca.
Simple negligence resulting in two counts of homicide ang pinasasampa naman kina Ateneo Athletic Director Emmanuel Fernandez; Francisco Zubia III, operating manager Hermanos Leisure & Agri-Farm Resor, at co-managers na sina Frederick Barangan Zubia, at Yedda Mary Molina Rubio.
Bahagi ng imbestigasyon ang pagkuha ng mga salaysay ng ilang indibidwal kabilang sina Ateneo President Roberto “Bobby” Yap, SJ; Baldwin, iba pang mga coach, pati na rin ang mga dati at kasalukuyang basketball players, mga miyembro ng coaching staff, utility personnel, at mga nangasiwa sa resort, noong Hunyo kaugnay sa pagkamatay nina Baterbonia at Adili sa team-building activity ng basketball team sa Dipaculao, Aurora.





Comments