Sa paghihiwalay nila ni Kathryn… DANIEL: PLANADO NG DIYOS ANG LAHAT NG BAGAY
- BULGAR
- Feb 13, 2024
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 13, 2024

Pinasalamatan ni Daniel Padilla ang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo sa kanyang contract signing with ABS-CBN na ginanap kahapon, Feb. 12.
Inisa-isa lahat ni Daniel ang mga taong nais niyang pasalamatan sa buong journey ng kanyang career at si Kathryn ang kanyang pinakahuling binanggit.
"Siyempre, hindi ko puwedeng kalimutan si Kathryn. Maraming-maraming salamat, Kathryn, sa ating maraming taon na pinagsamahan. You know, hinding-hindi mawawala sa puso ko ang magaganda nating memories at ating mga adventures at journeys na pinagsamahan. Thank you very much,” pahayag ni Daniel sa napanood naming live streaming ng kanyang contract signing.
Pinasalamatan din ng aktor ang KathNiel fans sa lahat ng pinagsamahan nila at sa support na ibinigay sa kanila ni Kathryn.
“Sa lahat ng KathNiel, maraming-maraming salamat sa lahat ng taon ng pagmamahal at pagsasama natin. Hinding-hindi mawawala sa puso ko at sa aking memories ang ating masasayang pinagsamahan. Diyos ko, all good memories for me at walang-walang makakatalo du’n sa mga memories na ‘yun.
“And for me, wala pa ring fans club na makakatalo sa KathNiel. Sorry, but it’s true,” pahayag ni DJ.
Ibinahagi rin ni Daniel ang kanyang learning sa mga hindi magandang pangyayari sa kanyang buhay.
“Ganu’n talaga ang buhay, you know. Kailangan nating tanggapin na may mga pangyayari na hindi man sang-ayon sa atin o hindi man natin gusto, pero it was bound to happen.
“Ganu’n talaga. I think, planado ng Diyos ang lahat ng bagay at sa Kanya ko na lang ibinibigay ang lahat,” dagdag niya.





Comments