Sa pag-amin sa relasyon nila… DEREK AT ELLEN, NAAGAWAN NA AGAD NG TRONO NINA GERALD AT JULIA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 8, 2021

Naagaw na nina Gerald Anderson at Julia Barretto ang spotlight sa celebrity lovers na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Sina Gerald at Julia naman ngayon ang pinagpipiyestahang pulutanin ng mga nasa showbiz circle.
Kung dati-rati ay mga patago ang aktibidades na pinupuntahan ng new couple (dahil ngayon lang nakumpirma), ngayon ay lantaran na ang mga posts sa social media na sila’y magkasama.
Kamakailan ay kumalat ang piktyur nila sa isang event ng Coast Guard Auxiliary kung saan isang commandant officer ang aktor at karay-karay niya ang girlfriend. Pareho pa silang nakasuot ng t-shirt na uniform ng Phil. Coast Guard.
Puna ng isang netizen, “Feeling first lady, haha! Para silang mag-tito.”
Pinuna rin ng isang netizen na hindi nakasuot ng face mask si Gerald at komento nito, “Walang mask! May panlasa ka pa ba?”
Comment pa ng ibang netizens, “Naku, girl... sincerely hoping hindi ka niya sasaktan. Love ya.”
“Tanda mo pa? Ano ang ginawa niya kay Maja (Salvador), lol.”
“In the end, feeling ko, siya talaga ang biktima... ni Gerald. After sirain ang career niya, naku, lolokohin lang siya tulad ng sa mga exes niya. Haaay, bata pa kasi.”
“Bumango na ang name ni Julia 'coz of Paubaya MV (music video). Minahal siya ng mga tao and it showed na ok sila ni Joshua, so what could be the reason para ‘di ma-accept ‘yung kanila ni Gerald? Sagot, haters.”
“Gawa lang ‘yun ni Joshua. Noon pa naman, he is the reason kung bakit bumango ang name n’ya. Kapal lang, hanggang sa huli, ginamit pa rin n’ya si Josh.”
Agree kami sa komentong ito. Nu’ng time na binibigyan ng projects si Julia at kung sinu-sino ang ipinapareha, hindi umaangat ang career niya. Pero nang magsama sila sa unang pelikulang Vince, Kath & James, bumango ang name ng anak ni Marjorie Barretto.
Pero pagkontra rito ng isa, “Why naman bumango? Also never watched that nonsense! Haha, I don’t support mean girls like Julia.”
“Maniniwala lang ako ‘pag pinakasalan n’ya ‘to.”
“Matagal na ‘yung interview ni Boy Abunda kay Gerald (like taped?). Tingnan n’yo ‘yung facial hair and style, iba... Ibig sabihin, inayos maigi ang script? And plano na talagang umamin....”





Comments