Sa Oct. 23 pa ang kasal… WEDDING PICTURE NINA TOM AT CARLA, KUMALAT NA
ni Nitz Miralles - @Bida | October 17, 2021

Marami ang na-fake news at inakalang kahapon ang kasal nina Tom Rodriguez at Carla Abellana dahil sa lumabas na wedding photo ng dalawa at may nakasulat na “T&C I Shine for You 10.16.2021.”
Nakasulat pa ang venue ng inakalang kasal ng dalawa sa may Mandaluyong City.
Mabuti at maagap na naglabas ng disclaimer si Carla at sabi, “THIS IS A PAID PARTNERSHIP” kaya natigil ang pagko-congratulate at pagbibigay ng best wishes sa kanila ni Tom.
Lumalabas na real estate endorsement nina Tom at Carla ang print ad at nakasulat din ang "Sunshine 100" na pangalan ng condominium na itatayo.
Mas malinaw nga ang post ni Tom sa Instagram na “Excited to announce our partnership with @sunshine100official. This is a year of new beginnings for @carlaangeline and I and we are happy to welcome Sunshine condos into our lives.”
Sa October 23, 2021 pa rin ang kasal nina Tom at Carla at dahil tapos na si Carla sa taping ng To Have and To Hold at si Tom ay tapos na rin ang taping ng The World Between Us, makakapag-focus na sila sa wedding preparations for their big day!





Comments