Sa nangyari sa community pantry… ANGEL, AMINADONG NA-TRAUMA
Julie Bonifacio - @Winner | May 07, 2021

After more than a week ng pananahimik sa social media, muling nag-post ang Kapamilya actress na si Angel Locsin sa kanyang Instagram account para alalahanin ang ika-isang taong pagkaka-shutdown ng ABS-CBN.
Ipinost ni Angel ang mga larawang na-save niya on her phone kaugnay ng last day ng pagbo-broadcast ng Kapamilya Network noong May 5, 2020.
Caption ni Angel: “Isang taon na ang lumipas. Pero ang sakit, hindi lilipas. Hirap man, pero kailangan pa ring bumangon. Para sa tao. Hindi man maintindihan ng iba ang nasa puso, patuloy pa rin sa pagbangon. Hindi susuko at patuloy na lumalaban. Dahil para sa tao. Laging para sa tao.”
Nakisimpatya ang mga netizens kay Angel.
"Nandito kami para sa 'yo. Kahit binubugbog at sinasaktan, tumaya ka pa rin at lumaban. Kaya heto ka ngayon, namamayagpag pa rin. Patuloy KAMING susuporta sa inyong mga Kapamilya."
“I have pics like that which I have not deleted. 'Di pa kaya. One of 11,000. I am.”
May netizen na nag-post ng comment sa IG story ni Angel na ni-reply-an ng Kapamilya actress kung saan ‘di niya itinago ang sakit at hirap na pinagdaanan.
“Angel, I hope you’re ok, it’s been a traumatizing months.”
Inamin ni Angel na unti-unti raw siyang nagpapagaling sa mga sakit na pinagdaanan niya.
“The past few months is hard and I'm hurt. I’m slowly healing. Salamat po,” reply ni Angel.





Comments