top of page
Search
  • BULGAR

Sa mga nagkakalat na nalulugi na ang EB!... SEN. TITO: MGA SINUNGALING!

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Abril 19, 2024



Nagbigay na ng pahayag sina former Senator Tito Sotto and Joey de Leon sa balitang nalulugi ang Eat…Bulaga! (EB!) at magsasara na.


Sa Gimme 5: Laro ng mga Henyo segment ng EB! nitong nakaraang Miyerkules, sinabi ni Tito Sen na kasinungalingan daw ang mga kumakalat na tsika.


“Aba, may mga sinungaling na nagkakalat na nalulugi raw tayo, na magsasara na raw tayo!” sey ni Tito Sen.


Hirit naman ni Joey, “Naiinggit lang ‘yang mga ‘yan dahil hindi sila kasama sa Top 5 longest-running TV show in the world!”


Ayon naman kay Tito, maglalabas sila ng resibo para patunayang nagsasabi sila nang totoo.


“Para mapatunayan na tayo ay hindi nagsisinungaling at sila ‘yung mga sinungaling, bukas, bibigyan natin ang media ng kopya ng ating file sa BIR (Bureau of Internal Revenue) ng income tax,” sey ni Tito Sen.


Sabi naman ni Joey, "Eto muna ang hamon ko, umabot lang kayo ng 15 years, baka luluhod ako sa harap n’yo. Fifteen lang, ha, hindi 50.”


Nagpaalala naman ang dating senador na huwag paniwalaan ang mga maling tsismis na lumalabas tungkol sa Eat…Bulaga!.


“Kaya sa mga Dabarkads at saka sa mga ilang hindi Dabarkads, ‘yung mga nagsasalita nang ganu’n, mga sinungaling ‘yun, huwag na kayong maniniwala ru’n sa mga ‘yun,” diin ni Tito Sen.


Sambit naman ni Allan K, “'Yan ang sinasabing ‘mema,’ me masabi lang.”


Sabi naman ulit ni Joey na halatang imbiyerna, “Bastusan na kasi ang labanan, eh.


Bastusan na, siraan. Walang kuwenta. Mag-enjoy lang tayo. Umabot muna kayo ng 45 years!


Longest-running Top 5 in the world! Mainggit kayo!”


Patuloy pa ni Master Henyo, “Ala, eh. Ganu’n talaga. Kasama naman kayo dapat du’n kasi Pilipinas ‘yung dala namin, eh. Bakit kayo ganyan? Ang sasama ng ugali n’yo.”


Si Vic Sotto naman ay patawa-tawa lang at hindi na nagbigay ng kanyang pahayag tungkol sa issue.


Nagsimula ang isyung nalulugi na raw ang Eat…Bulaga! sa TV5 nang talunin ito sa rating game ng It's Showtime mula nang lumipat sa GMA-7 ang noontime show nina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario atbp..


Kamakailan ay proud namang ibinalita ni Joey sa kanyang Instagram na pasok ang Eat…Bulaga! sa listahan ng Top 5 Longest-Running TV Show in the World.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page