top of page
Vico Sotto - FB.jpg

Sa mga anak ng Comedy King… VANDOLPH, NAKUHA ANG STYLE NI DOLPHY SA COMEDY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 18, 2026



Home Along Da Riles Da Reunion - Vandolph FB

Photo: IG _bernardokath



Ang laki-laki na ng ipinagbago ni Vandolph Quizon simula nang siya ay magkaroon ng sariling pamilya. Hindi na siya ang dating Vandolph na makulit, matigas ang ulo at pilyo. 


Magulo siya kapag nasa taping noon ng show ng kanyang Daddy Dolphy at spoiled siya noon. 


Naging co-signatory pa noon si Vandolph ni Dolphy sa isa nitong checking account. 


Nang yumao ang Comedy King, nagbago na rin si Vandolph. Naging responsable na ito, lalo na nang mahalal siyang konsehal sa Parañaque for 9 years. 


Dalawa naman ang naging anak nila ng kanyang wifey na si Jenny Salimao.

Ayon kay Alma Moreno, nakikita niya si Dolphy kay Vandolph. Nang mapanood niya ang Home Along Da Riles: Da Reunion (HADRDR), nakita niya kay Vandolph ang istilo ni Dolphy sa pagpapatawa. Minana ito ni Vandolph sa Comedy King. 


Natutuwa si Alma na lahat ng anak ni Dolphy ay magkakasundo kahit iba-iba ang kanilang ina.





NAMANA ni KC Concepcion ang pagiging masinop sa pera at business-minded ng kanyang mom na si Sharon Cuneta. Sa halip na gumastos sa mga branded bags at shoes, mas gusto niyang mamili ng lupain sa Palawan. Dito niya in-invest ang kanyang mga kinita sa showbiz.


Well, practical siya sa buhay at hindi maluho. 


In fairness kay Gabby Concepcion, masinop din naman ito sa pera, kaya malamang ay naturuan din niya si KC na tumulad sa kanya. 


Kahit hindi na aktibo sa paggawa ng pelikula at walang regular show ay marami nang properties na naipundar. 


May private resort sa Anilao, Batangas si Gabby. May mga nabili rin siyang bahay sa USA at may dalawang bahay sa Makati. 


Silent millionaire ang aktor at hindi niya inilalantad sa publiko ang kanyang mga properties na naipundar. Kaya hindi na niya kailangang magpaalipin sa trabaho.





PASADO na kay John Estrada sina Daniel Padilla (BF ni Kaila Estrada) at Jake Vargas (BF ni Inah de Belen), kaya kasama na sila sa birthday celebration nito. 


Itinuturing na sina Daniel at Jake na bahagi ng pamilya nila ng dating misis niyang si Janice de Belen. Imbitado na sila lagi sa mga okasyon.


Kahit hiwalay na sina Janice at John, concerned pa rin ang aktor sa buhay ng kanyang mga anak. Inaalam ni John ang status ng love life ng mga ito. Gusto rin niyang makita na masaya ang mga ito sa pinili nilang karelasyon.


So far, nakikita naman ni John Estrada na mabait at responsable sina Daniel Padilla at Jake Vargas, kaya hindi na siya gaanong mag-aalala.





NAAWA kami sa cosplayer-aktres na si Myrtle Sarrosa na labis na naapektuhan sa pagkawala ng kanyang cellphone. 


Kamamatay pa lamang ng kanyang lola at kitang-kita namin ang kanyang kalungkutan nang sumilip kami sa burol nito.


Mas lalong masakit para kay Myrtle dahil nasa nawawalang cellphone ang marami nilang larawan noong nabubuhay pa ang kanyang lola. Kaya umaasa siyang maibabalik ito sa kanya.


Nag-alok na rin siya ng pabuya kapalit ng pagsasauli ng cellphone. Kung nahihiya o natatakot man ang nakapulot o nakakuha nito, maaari naman itong iwan sa anumang radio station upang makarating sa kanya.


Malaking bagay para kay Myrtle kung maibabalik ang kanyang cellphone dahil hindi lamang gadget ang nawala sa kanya kundi mga alaalang hindi na mapapalitan.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page