top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sa loob ng posh subdivision ginawa… GABBI, NAG-COMMUNITY PANTRY, NA-BASH

BULGAR
Apr 23, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | April 23, 2021




Sinagot ni Gabbi Garcia ang comment ng isang netizen na kailangan pang mauna ang walang kaya sa buhay bago gawin ng mga may kaya (gaya ni Gabbi) ang pagbubukas ng community pantry.


Patuloy pa ng netizen, kundi pa sinimulan ng mga salat sa buhay ang community pantry, hindi pa gagawin ng mga mayayaman.


Sagot ni Gabbi, “Hindi ko po kailangan ang inyong negative na opinion sa IG ko, kung gusto n'yo nga po palang mag-donate o tumulong, puwede n'yo po ako i-message. Salamat.”


Nagtayo kasi ng community pantry si Gabbi at mga kasama sa loob ng subdivision nila sa BF Northwest, Parañaque City at pati ang location ng community pantry, pinuna rin. Hindi raw nito matutulungan ang mahihirap dahil pawang mayayaman ang nakatira sa nasabing lugar.



Hindi nabasa ng mga bashers ang nakasulat na para sa mga security guards ng subdivision, riders na nagde-deliver at construction workers na nagtatrabaho sa loob ng subdivision ang community pantry at hindi para sa mayayamang taga-BF.


Suwerte lang ng makakakuha ng goods sa community pantry nina Gabbi dahil walang pila at maraming goods na makukuha. May bottled water, ang daming gulay at may pa-free dirty ice cream pa.


Marami rin naman ang nagtanggol kay Gabbi at pinayuhan itong ‘wag nang pansinin ang bashers at haters, basta tuloy lang siya sa pagtulong.


Samantala, malapit na siguro ang airing ng mini-series ni Gabbi at ng BF nitong si Khalil Ramos, ang Love You Stranger na mapapanood sa GTV. First project nila ito kasama si Gil Cuerva at mga artistang identified sa ABS-CBN.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page