Sa lahat ng nakasama… SHARON, UMAMING SI JULIA ANG KAPAREHUNG-KAPAREHO NG UGALI
- BULGAR
- Dec 15, 2021
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 15, 2021

Para kay Sharon Cuneta, si Julia Montes ang kapareho niya ang attitude sa totoong buhay sa lahat ng young actresses na nakasama na niya.
As we all know ay magkasama ngayon ang dalawa sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.
Nag-post si Sharon sa kanyang Instagram account ng mga larawan nila ni Julia at sa caption, ikinumpara niya ang sarili sa nakababatang aktres.
Ayon kay Mega ay pareho raw silang bungisngis, malambing at mabait.
“Mara and Aurora. Sa lahat ng nakasama kong mas mga batang artista sa more than 60 movies ko, si Julia Montes ang nakita kong pinakapareho ko sa tunay na buhay. Bungisngis, malambing, mabait. At magaling na artista. Love this girl!” ang caption ni Shawie.
Ang pangalan ng karakter ni Julia sa FPJAP ay Mara, habang si Sharon naman ay Aurora.
Hiling naman ng mga netizens ay magkasama raw sana sa isang pelikula sina Julia and Sharon.





Comments