top of page

Sa lahat ng babaeng hosts, nag-iisang ‘di bineso-beso… ECHO, BINASTOS SI KIM SA IT’S SHOWTIME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 12, 2026



Kim Chiu, Jericho Rosales at Anne Curtis - It's Showtime

Photo: Kim Chiu, Jericho Rosales at Anne Curtis - It's Showtime



Usap-usapan ngayon sa social media ang aktor na si Jericho Rosales, hindi dahil sa movie nila ni Anne Curtis na The Loved One na showing na simula kahapon (Feb. 11) kundi dahil sa diumano’y hindi magandang inasal nito nang mag-guest sa It’s Showtime nu’ng Martes (Feb. 10).


Nag-guest si Echo para i-promote nga ang TLO nila ni Anne. 

Nang dumating ito, napansin ng mga netizens na bineso-beso ng aktor ang lahat ng mga female hosts ng It’s Showtime at tanging si Kim lang ang hindi.


Pinanood namin ang episode at hindi man bineso ni Echo si Kim, nag-bow naman ito para ipakita ang kanyang respeto sa aktres.


Kaya lang, bukod sa bagay na ‘yan, nasilipan din si Echo ng pag-a-attitude umano nang tanungin siya ni Kim kung ano’ng bagong ipapakita nila ni Anne sa TLO at ang pabalbal na sagot ng aktor ay “Wala lang” na ewan kung gustong magpatawa o walang maisip na sagot.


Dahil diyan, pinutakti si Echo ng masasakit na salita mula sa mga fans ni Kim at mga netizens na hindi nagustuhan ang inasal niya.


Pinangaralan nila ang aktor na kung magpo-promote ng anumang project, igalang ang mga hosts ng programa.


Mabuti na lang daw at mabait si Kim at na-handle pa rin nang tama ang sitwasyon dahil professional ito.


Samantala, binibigyang-kulay at iniintriga naman ng ilan ang naging treatment ni Echo kay Kim. Dati naman daw okay ang dalawa lalo’t magkapitbahay pala sila sa isang subdivision sa Kyusi.


Pero ngayong girlfriend na raw ni Echo si Janine Gutierrez na ex ni Paulo Avelino na nali-link naman ngayon kay Kim, mukhang may ‘something’ na raw kaya nagkaroon ng wall si Echo kay Kim.


Hala, may ganern ba?! ‘Di ba’t nabalita pa nga recently na magsasama-sama silang apat sa isang project, so paano?


Hmmm… Ngayon pa lang, mukhang may itatanong na sa kanila ang press kapag nagkaroon sila ng mediacon para sa nasabing project, ha?



Sa saya lang daw pala kasama…

ALESSANDRA, NADALA NA SA MGA FAKE NA TAO, NAGHAHANAP NG MGA BAGONG KAIBIGAN



HINDI napigilan ni Alessandra de Rossi ang maging emosyonal sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano recently sa YouTube channel nito.


Naikuwento kasi ni Alex (palayaw ni Alessandra) ang pain na naramdaman niya sa pagkawala ng mga itinuring niyang kaibigan na hindi naman pala naging totoo sa kanya at sa saya o sa sarap lang niya kasama.


Sabi ni Alex, hindi naman siya galit sa mga taong umalis o lumayo sa kanya, kundi mas nasasaktan siya dahil hindi nga naging tunay na kaibigan ang mga ito. 

Para sa kanya, ang tunay na relasyon ay ‘yung may loyalty at honesty, hindi ‘yung kasama lang kapag masaya, pero nawawala agad ‘pag may problema.


Dagdag pa niya, “Nu’ng isang gabi lang, nag-pray ako, gusto ko ng new friends. Gusto ko ng friends na awake. Sabi ko ‘Lord, ‘yung gising, ‘yung nakatingin sa life, hindi naka-auto pilot, hindi mahilig sa luxury, hindi mahilig sa kaartehan.’”


Dahil wala ang pamilya ni Alex sa ‘Pinas, ang mga kaibigan na nga lang naman ang itinuturing niyang kapamilya.


Marami sa mga netizens ang nakisimpatya at sumang-ayon kay Alessandra. Para sa kanila, tama ang kanyang panawagan sa mga totoong kaibigan. ‘Yung may puso at malasakit, hindi ‘yung nakasandal lang sa saya o material na bagay.


Aniya pa, mas masakit daw ang magtiwala at umasa sa mga taong hindi pala totoong nagmamalasakit sa kanya kesa sa simpleng hindi pagkakaunawaan lang. 


Sa ngayon, ang mga itinuturing daw niyang totoong kaibigan sa showbiz industry ay sina Piolo Pascual, Empoy Marquez na nakapareha niya sa box office hit movie na Kita Kita, at si Maxene Magalona.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page