top of page
WINNER - BINI, INIAAHON ANG ABS-CBN SA PAGKALUGI-IG _BINI_PH.jpg

Sa kadaldalan ni Omb. Remulla, nakalabas ng bansa ang mag-inang Sen. Loren at Cong. Leviste

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 20, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAPAT SI PBBM NA ANG UMAKSYON, IPA-PRIORITY BILL NIYA  ANG PAG-AMYENDA SA JUVENILE JUSTICE ACT – Sa kabila ng naganap na namang karahasan sa isang eskwelahan na ikinasawi ng dalawang high school student ng Ateneo de Zamboanga, tikom pa rin ang bibig ni Sen. Kiko Pangilinan kung ipapa-amend na niya ang batas niyang Juvenile Justice and Welfare Act upang ibaba mula 15 taong gulang sa 12 taong gulang ang edad ng may pananagutan sa mga criminal case.


At kung ayaw talaga ni Sen. Kiko na maamyendahan ang kanyang batas, dapat ay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) na ang umaksyon at i-prioritize sa Senado at Kamara ang pag-amyenda sa Juvenile Justice and Welfare Act upang maibaba sa 12 taong gulang ang edad ng may pananagutan sa mga criminal case.


Kapag naamyendahan na iyan, malaki ang maitutulong niyan upang matakot nang gumawa ng mga labag sa batas ang mga menor de edad. Period!


XXX


KUNG HINDI DAHIL SA KADALDALAN NI OMBUDSMAN BOYING REMULLA, HINDI SANA LALABAS NG ‘PINAS ANG MAG-INANG SEN. LOREN AT CONG. LEVISTE Nangangamba ngayon ang Office of the Ombudsman kung babalik pa sa Pilipinas ang mag-inang Sen. Loren Legarda at Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Legarda Leviste na kapwa sasampahan ng kasong plunder na may kaugnayan sa P10 bilyong “ghost electricity.”


Kung tutuusin, ang dapat sisihin dito ay ’yung kadaldalan ni Ombudsman Boying Remulla. Kung hindi niya ibinida sa publiko na kakasuhan ang mag-inang Sen. Loren at Cong. Leviste, hindi sana lumabas ng bansa ang mag-inang pulitiko.

Ang nais nating ipunto rito, kung sinampahan agad ng Ombudsman ng kasong plunder ang mag-ina at saka hiniling sa Sandiganbayan na magpalabas ng hold departure order, hindi na sana nakalabas ng ‘Pinas sina Sen. Loren at Cong. Leviste. Boom!


XXX


DAPAT ‘FORTHWITH,’ KASUHAN NA NG OMBUDSMAN ANG MGA KONGRESISTANG KONTRAKTOR PARA MAKULONG NA ANG MGA ITO – Inihahanda na raw ng Office of the Ombudsman ang mga kasong graft laban sa mga kongresistang kontraktor na sangkot sa flood control projects scam.


Sana, forthwith o agad-agad, isampa na ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang mga kaso laban sa kanila para may mabalita naman na may mga kongresistang kontraktor nang makukulong sa city jail. Period!


XXX


KAPAG BUMAHA 1 WEEK BAGO ANG TAKDANG ARAW NG 2028 ELECTION, TIYAK TALO NA ANG MGA PULITIKONG SANGKOT SA FLOOD CONTROL SCANDAL – Ang halalan sa national at local positions ay nagaganap tuwing summer, kaya’t sana magkaroon ng milagro na isang linggo bago ang takdang halalan sa 2028 ay umulan at bumaha.


Kapag nangyari kasi ‘yan at binaha ang mga botante bago ang halalan, siguradong talo na sa 2028 election ang mga senador at kongresistang sangkot sa flood control scandal. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page