top of page

Sa iringan ng Marcos at Duterte, nabiyayaan sina Aquino at Pangilinan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 17
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | May 17, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Malinaw na ang resulta ng senatorial election.

No.1 si Sen. Bong Go at No. 12 si Sen. Imee Marcos.

Ayos ang buto-buto!


----$$$--


Nabiyayaan ng iringan ng Marcos at Duterte sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan.

Nabuhay ang Liberal Party.


----$$$--


PERO, tatlong Nacionalista Party ang sabay-sabay na nagwagi.

Bukod kay Imee, nagwagi rin sina Camille Villar at Pia Cayetano.


----$$$--


IPINAKITA sa Halalan 2025 — ang kahalagahan ng plataporma at landmark act na ginamit sa kampanya.

Si Bong Go ay “Malasakit”, samantalang si Aquino ay sumakay sa “Free College”.


----$$$--


NAHULOG sa Senate Magic 12 ang mga tila walang plataporma na sina Bong Revilla, Ben Tulfo, Manny Pacquiao at Willie Revillame.

Inisnab ng mga botante ang plataporma nina Benhur Abalos, Abby Binay at Francis Tolentino.


----$$$--


DAPAT ay kapani-paniwala ang plataporma at hindi dapat tipong nagyayabang o nambobola lang.

Iyan ay dapat suriing mabuti ng mga propagandista!


----$$$--


WALANG duda, magkakaroon ng balasa sa liderato ng Senado na aaktong Impeachment Court.

Nanganganib na masibak si Sen. Chiz.


----$$$--


BUKOD kay VP Sara, biglang lumutang ang mga bagong presidentiables.

Isa nang bigating presidentiable sina Bong Go at Bam Aquino.

Nawalan naman ng tsansa na makabalik sa Malacañang si Sen. Imee na muntik pang malaglag.


-----$$$---


BAKIT daw naging No. 2 si Bam Aquino?

Ito ay dahil ang kanyang inilaladlad ay ang libreng aral sa kolehiyo.

Ibig sabihin, mayorya ng mga botante ay nakakaramdam sa kahalagahan ng edukasyon.


-----$$$--


ANG budget ng bawat pamilya — ay nakapokus sa “gastusin sa eskwelahan” matapos itabi ang panggastos sa sakit o kalusugan.

Sa buong taon ay nakapokus ang aktibidad ng tao sa larangan ng edukasyon — at nasapol iyan ni Bam Aquino.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page