Sa ilalim ng Marcos admin, palubog nang palubog sa utang ang ‘Pinas
- BULGAR
- 4 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 8, 2025

MAJORITY PINOY WALANG BILIB SA ‘BAGONG PILIPINAS’ KAPAG 4 LANG NA SENATORIAL CANDIDATES NI PBBM ANG MANALO SA ELEKSYON -- Kung susuriin ang mga sunud-sunod na survey na lumalabas, tila apat lang sa mga senatorial candidates ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang posibleng manalo.
Sa mga survey kasi laging top si Sen. Bong Go, pasok sa top 5 si Sen. Ronald Dela Rosa, gayundin sina broadcast journalist Ben Tulfo at TV-host comedian Willie Revillame na kapwa independent candidate At bagama’t hindi pumapasok sa top 12 senatorial survey ay tumataas ang rating nina Sen. Imee Marcos, Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta at humahabol din sina former Sen. Bam Aquino at former Sen. Kiko Pangilinan.
Kapag nangyari iyan na apat lang na kandidato ng Marcos administration ang magwagi sa senatorial election, isa lang ang ibig sabihin niyan, walang bilib ang majority Pinoy sa slogan ni PBBM na “Bagong Pilipinas,” boom!
XXX
KAPAG SI VP SARA ANG NAGING PRESIDENTE SA 2028, MALAMANG KULONG DIN ANG ABUTIN NI PBBM -- Ayon kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, dapat daw managot si PBBM sa tinuran niyang “pagdukot” o pag-aresto at pagpapakulong sa kanyang amang si ex-P-Duterte sa International Criminal Court (ICC) jail sa The Netherlands dahil hindi raw mangyayari ang ganito sa ex-president kung walang basbas ng incumbent president.
Kaya sakaling si VP Sara ang maging next president sa 2028, tagilid si PBBM dahil malamang sangkatutak na kaso ang isasampa sa kanya para siya naman ang makulong, abangan!
XXX
PALUBOG NANG PALUBOG SA UTANG ANG ‘PINAS -- Inanunsyo ng Bureau of Treasury (BOT) na noong March 2025 ay pumalo na sa P16.68 trillion ang utang ng Pilipinas sa mga financial institution sa mundo.
Grabe naman iyan, March 2025 pa lang ganyan na kalaki ang utang ng ‘Pinas.
Masamang pangitain iyan, kasi pagpapakita na sa ilalim ng Marcos admin, palubog na nang palubog sa utang ang Philippines, saklap!
XXX
MGA NAMIMILI AT NAGBEBENTA NG BOTO, IPINAHUHULI NA NI GEN. MARBIL -- Ipinag-utos ni PNP Chief, Gen. Rommel Marbil sa mga kapulisan na agad dakpin ang mga namimili at nagbebenta ng boto.
Kaya panawagan natin sa mga namimili at nagbebenta ng boto, tantanan niyo na iyan dahil kung hindi kayo maglulubay, kaso at kulong ang aabutin niyo, period!
Comments