Sa Greece nag-honeymoon… ZEINAB, BUNTIS NA RAW KAY RAY PARKS, JR.
- BULGAR

- Jul 5
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 5, 2026

Photo: FB Zeinab Harake
Nag-react ang vlogger na si Zeinab Harake sa nag-comment sa Facebook (FB) matapos siyang mag-post sa kanyang account ng “Isang buwan akong walang vlog nu’ng nakaraan, busy akong gumagawa ng bata. Hahaha!”
Dahil sa kanyang pahayag, may ilang netizens ang agad na naghinalang baka buntis ang content creator sa kanyang asawang si Ray Parks.
Nang may isang netizen na magkomento ng “Buntis ‘to, hula ko,” emoji lamang ang naging tugon ng content creator.
Wala siyang direktang sinabi o inamin na siya ay buntis. Kaya ang sabi ng mga followers nila ng husband niyang si Ray Parks Jr., “Malamang pagbalik nila galing honeymoon mula sa Greece, saka s’ya aamin. Hahaha!”
“Iba ‘yung glow ngayon ni Zeinab. Ganito ang mga babae ‘pag nasa tamang tao, ‘di binibigyan ng stress at naaalagaan nang tama.”
“The fact na sa lahat ng pictures, Zeinab got the better view but Zeinab is Ray’s best view."
“Buti pa itong si Ray Parks, may emotional intelligence!”
Sa unang pagkakataon sa loob ng 66 na taon ng kasaysayan ng isang branded na alahas, itinalaga si Jung Kook ng BTS bilang unang pandaigdigang ambassador ng Graff.
Ito ang unang pagkakataon na nagtalaga ang luxury brand ng isang global ambassador.
Idinagdag ni Jung Kook ang kanyang listahan ng mga global ambassadorship kasunod ng Calvin Klein, Hublot, at Chanel Beauty.
Pahayag ng Graff CEO na si François Graff, “Jung Kook is a cultural icon, recognized for his multifaceted talent.
“Bold and refined, he always offers remarkable performances. Just like Graff, which strives to push the boundaries of high jewelry, [he] explores and constantly surpasses those of his creativity.”
Sey naman ni Jung Kook, “It is a tremendous honor to join Graff as its global ambassador. Graff has built a remarkable legacy over many years, and I am incredibly honored to be working with the brand.”
Bongga!
DUMALO ang aktor na si John Estrada sa grand opening ng Feta Mediterranean Restaurant sa Newport World Resorts, kung saan brand manager ang kanyang ex-wife na si Priscilla Meirelles.
Ang kanyang pagdalo ay mabilis na naging usap-usapan dahil hiwalay na raw sila ni Priscilla, ngunit marami ang nakakita rito bilang suporta sa bagong negosyo ng dating asawa.
Sa mga naunang panayam, sinabi ni John na maayos ang komunikasyon nila ni Priscilla. Nagkakasundo sila pagdating sa pagpapalaki sa kanilang anak.
Isinasantabi nila ang mga hindi pagkakaunawaan para sa kapakanan ni Anechka.
Bagama’t maraming netizens ang nag-isip ng iba’t ibang posibilidad, walang pahayag sina John at Priscilla na nagsasabing nagkabalikan sila o may romantikong ugnayan muli.
Ang pagiging present ng aktor ay itinuring ng marami bilang respeto at suporta sa mahalagang milestone sa buhay at karera ng dati niyang misis.
Sina John at Priscilla ay ikinasal noong 2011. Unang ikinasal ang aktor kay Janice de Belen, at mayroon silang 4 na anak.





Comments