top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa FIBA World game… COACH CHOT REYES, SINISISI SA PAGKATALO NG 'PINAS SA DOMINICAN REPUBLIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | August 27, 2023



And speaking of the FIBA World Cup, sino ang magsasabing hindi mayayaman ang mga mahihilig sa basketball?


Sa taas ng presyo ng mga ticket sa sabay-sabay na paglalaro sa tatlong venues (Araneta, MOA at Phil. Arena) ng mga bansang magkakasama sa bracket ng Philippines, hindi ninyo talaga iisiping naghihirap ang mga tao.


Hindi pa kasama d'yan 'yung mga mas feel mag-subscribe sa Pay Per View na pricey din ang halaga para naman mapanood din ang ibang games ng mga bansang nasa ibang brackets sa ibang venues like in Japan (Okinawa) and Indonesia (Jakarta).


Going back sa mga ka-bracket ng Pilipinas na Dominican Republic, Angola at Italy, tinalo na tayo ng Dominican Republic at panay na naman ang sisi ng mga fanatics sa coaching staff ng GILAS Pilipinas, particularly kay Coach Chot Reyes.



Basta, nakita naming nag-enjoy sa opening ng FIBA sina Sarah Geronimo, Ben & Ben, The Dawn, na nagsilbing mga performers sa opening ceremony, at siyempre pa ay nag-play ng support sa Team Gilas.


Namataan ding nanood kahit nasa mataas na section ng Philippine Arena sina Jose Manalo, Jerald Napoles at iba pang Dabarkads.


Marami pang mga celebrities din ang hindi nagreklamo sa taas ng presyo ng mga tickets, pati na 'yung may mga kaibigan ding nasa team Angola, Italy at Dominican Republic.


Magtatagal hanggang September 10 ang FIBA World Cup, kaya't asahan pa natin ang mga showbiz friends/supporters natin na rarampa sa mga venues.


May phone-in question nga rin dito kung pagbibigyan ni Gilas member Kai Sotto ang request ni Andrea Brillantes na maka-date siya nito, hahahaha!

Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page