Sa community pantry ng aktres… ANGEL, NANUHOL DAW PARA 'DI MAIBALITA ANG SENIOR NA NAMATAY, GMA-7
NAGSALITA NA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 25, 2021

May lumalabas na isyung nakipag-connive umano si Angel Locsin sa isang taga-GMA Network nang abutan ito ng aktres ng pera.
May namatay kasing senior citizen nang mag-community pantry si Angel sa Kyusi kasabay ng selebrasyon ng kanyang kaarawan.
Siyempre pa, mga detractors ng aktres ang nagpapakalat ng balita na ang perang iniabot daw nito ay para maipa-news blackout ang nangyari.
Walang katotohanan ang paratang ng mga ito sa humanitarian actress. To the rescue ang fiancé ni Angel na si Neil Arce para isiwalat ang buong katotohanan.
Ayon kasi sa isang nagngangalang Marc Lopez (isa raw DDS) sa socmed nito, “Bakit nag-abot ng pera si Angel sa taga-GMA Network, ano'ng meron?"
Sinundan pa niya ito ng “May utang ba si Angel sa taga-GMA?"
Sinagot ni Neil ang post ni Marc, “People are claiming inabutan daw ni Angel 'yung reporter. Makeup artist po niya 'yun sa GMA. Where do these people get their news?!?!”
Maging ang GMA News ay nagbigay din ng kanilang pahayag. Anila, walang kinalaman sa GMA News and Public Affairs coverage ang lalaking may ID ng GMA.
“Siya po ay isang talent makeup artist ng GMA. Wala pong koneksiyon ang GMA sa pagpunta niya sa lugar,” paglilinaw ng network.
Hayan, sana naman ay maliwanag na sa mga may maruruming pag-iisip ang paliwanag ng GMA Network at ng fiancé ni Angel.





Comments