top of page

Sa branded paper cup nakalagay… HEART, BUMILI LANG NG FISH BALL, DIOR PA ANG SUOT

  • BULGAR
  • Mar 1, 2022
  • 2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida |March 1, 2022



ree

May post si Heart Evangelista na kumakain ng fish ball na nakalagay sa Tiffany & Co. paper cup, kaya ayun, nagkagulo na naman ang kanyang mga followers.


Lalo raw sumarap ang fish ball dahil sa branded at mamahaling Tiffany & Co. paper cup nakalagay. Mabuti at hindi pa pinepresyuhan ang branded paper cup.


Ibig sabihin nito, nag-take out ng fish ball si Heart, iniuwi at inilagay sa Tiffany & Co. paper cup dahil nang bumili siya ng fish ball, sa plastic cup ng vendor inilagay ang suka at doon niya isinawsaw ang tusuk-tusok na fish ball.


Kaya, hindi lang ang outfit ni Heart na Dior nang bumili ng fish ball ang ikinaloka ng mga netizens, pati ang Tiffany & Co. paper cup.


Tanong ng mga netizens, wala bang gamit sa bahay nina Heart at Sorsogon Governor Chiz Escudero na hindi branded at imported?


Maraming suggestions kay Heart na challenge na kanyang gawin kabilang ang pamamalengke sa wet market, bumili ng tilapia at iprito na rin niya. May nag-suggest din na mamili siya sa ukay-ukay at may nag-request ng Chinese garter challenge at ang isa, tindera sa palengke challenge naman daw. Ang isa pang challenge na suggestion kay Heart ay ang mag-shopping sa Divisoria.


Abangan natin kung alin sa mga suggestions ng netizens ang una niyang gagawin na of course, ang OOTD niya ang unang tsinetsek.


Samantala, may mga tao talagang nega, walang makitang maganda dahil ‘yung post ni Heart sa kanyang IG story ng photos ng anak ni Chiz Escudero na si Quino na anak na rin ang turing ng aktres at may caption na: “Gwapo ng anak ko!!!,” may nag-comment agad na at the end of the day, hindi pa rin niya anak si Quino.


May mga nag-comment tuloy na kahit hindi si Heart ang biological mom ni Quino, tunay na anak ang turing sa kanya ng stepmom. Saka, kung komportable naman daw si Quino na tunay na anak ang turing sa kanya ni Heart, walang problema.


Tama naman ang sinabi ng isang netizen na bakit pati ‘yun ay pinoproblema ng iba?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page