top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Sa botong 53-0 — House panel... Impeachement vs. VP Sara, may basehan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 30
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | April 30, 2026



Rep. Abante, VP Inday Sara Duterte at Leila De Lima - House of Representatives

Photo: VP Inday Sara Duterte / House of Representatives



Unanimous ang boto ng 53 miyembro ng House Committee on Justice na may probable cause o sapat na basehan ang dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.


Ang mga nasabing reklamo ay pormal na inendorso nina Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima at 6th District Manila Rep. Benny Abante.


Kabilang sa mga alegasyong tinalakay sa komite laban sa opisyal ay ang umano’y maling paggamit ng confidential funds, panunuhol, tagong yaman, money trail, at mga hakbang ng destabilisasyon.


Nakatakda nang bumuo ng pormal na report ang panel upang iakyat sa House plenary kung saan kinakailangan ang one-third na boto para tuluyang ma-impeach ang Bise Presidente. 


Samantala, naglabas ng opisyal na pahayag ang Defense team ni VP Sara matapos makitaan ng probable cause ng House Committee on Justice ang mga inihaing impeachment complaints laban sa kanya.


Ayon sa inilabas na mensahe ng kampo ng Bise Presidente, hindi na umano nakakagulat ang naging desisyon ng komite lalo na kung pagbabasehan ang mismong takbo ng mga isinagawang pagdinig.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page