Sa bahay na raw ng aktor nakatira… ELLEN, 1 MONTH PA LANG KAY DEREK, BIGLANG PAYAT

Julie Bonifacio - @Winner | March 11, 2021

Pagkaganda-ganda ni Ellen Adarna sa piktyur sa latest Instagram post niya. It's a series of photos na same spot but different angles lang.
Against the light ang kuha ni Ellen na parang sa loob ng kotse or something.
Anyway, looking fresh and very young ang mukha ni Ellen sa mga pictures. Say ng netizens, nagbu-bloom raw talaga ang hitsura ng babae kapag in love. Eh, si Ellen, 'di lang in love, super in love kay Derek Ramsay.
But one thing we noticed on her based sa kanyang mukha, leeg at upper part ng kanyang bibig, lumiit at umimpis ang face niya at litaw na litaw ang buto sa ibaba ng leeg.
In short, pumayat si Ellen.
Parang kailan lang, medyo may "fatness" pa kaming nababanaag sa mga litrato ni Ellen, 'yung bago pa naging sila ni Derek. Ang bilis pumayat ni Ellen, ha?
Malaki kaya ang kinalaman ni Derek sa pagpayat ni Ellen?
Maugong din kasi ang balita na nagli-live-in na ang dalawa. Ang tsika, sa bahay na raw ni Derek nakatira si Ellen.
Sa bahay din kaya na ito ni Derek nag-stay noon ang ex-GF niyang si Andrea Torres?
Ang balita namin, ayon sa isang architect-vlogger, mamahalin ang babay ni Derek mula sa design, building materials na ginamit, paintings na naka-display, at car collection (from Jaguar to name-it-all expensive cars) niya sa kanyang malaking garage.
'Yun na.





Comments