top of page

Sa ayaw o gusto natin, may ‘Duterte factor’ na sa kampanyahan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 14 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | May 6, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Maselan ang senatorial election ngayon, kasi’y hindi lamang plataporma at popularidad ang pinagbabatayan ng opinyon at desisyon, bagkus ay ang mabibigat na isyu sa paligid.


Sa ayaw o sa gusto natin, mayroon nang tinatawag na “Duterte factor” sa kampanyahan.


----$$$--


NAG-UGAT ito sa pagsasampa ng impeachment complaint laban kay VP Sara at kasunod ang pag-aresto sa Pilipinas at pagdadala sa ICC kay Digong.

Iyan mismo ay nakakaapekto sa kampanya at pagboto.


-----$$$--


ISANG aktuwal na halimbawa dito ay ang pagkuyog ng ilang tila pro-Duterte netizens laban kay Makati Mayor Abby Binay sa social media.


Sinopla kasi ni Binay si Vice President Sara Duterte hinggil sa pagbatikos laban sa pamamahagi ng P20 kada kilong bigas sa Kabisayaan sa kabila ng ipinagbabawal ng Comelec.


----$$$--


MAAARING nagpapakaloyal si Binay kay PBBM at Alyansa na ang ibig sabihin ay tiyak na wala siyang boto na mahihigop mula sa mga maka-Duterte.

Sa post ng news website na Politiko, natunghayan ang maraming comments ng netizens na inuupakan si Abby.


Aabot sa 113 comments, 166 reaksyon at tatlong shares na karamihan ay nanghihikayat na huwag si Binay bilang tugon sa pagbatikos kay VP Sara.


----$$$--


SA isang press conference na inilathala ng Politiko na sinipi si Binay: “Sasabihin mo ba sa mga tao, ‘after the election na lang ha, doon ko lang ibibigay ‘yung murang bigas kasi sasabihin na namumulitika ako.’ Hindi naman po ganoon ang trabaho ng gobyerno. Kung maibibigay mo na ngayon, ibigay mo na. Hindi mo puwedeng sabihin na, ‘O, mag-aantay ako ng magandang timing’.”


Malinaw naman ang pahayag ni Binay, pero diyan siya mismo hahatulan ng mga botante.


----$$$--


PERO, hindi ito pinalampas ng ilan na tila supporters ni Duterte na nasasalamin sa pagsusuri ng 3RD_AI_ na makababawas sa tsansa ni Binay na makapasok sa Magic 12 dahil lamang sa pagbatikos sa ibang political figure tulad ni Duterte.


Tumutugma rin ang sitwasyon sa pagdedeklara ng “no vote” kay Mayor Abby sa pag-aanalisa ng 3RD-AI_ na malaki ang posibilidad na malaglag ang alkalde sa Magic 12 na nakapuwesto ika-11-14 ng winning circle.


----$$$--


HINDI lamang ang national election ang apektado ng social media kundi maging ang mga local candidate.

Mahalagang maunawaan ito ng publiko at maging ng Comelec.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page