Dahil doble ang inutang ng Marcos admin, tiyak doble-hirap dadanasin ng taumbayan
- BULGAR
- 13 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 6, 2025

DOBLE DUSA ANG AABUTIN NG MAMAMAYAN SA DOBLENG UTANG NG MARCOS ADMIN -- Higit doble ang halaga ng inutang ng Marcos administration ngayong first quarter ng 2025, kasi noong first quarter ng year 2024 ang inutang ng kanyang administrasyon ay $2.87 billion, pero ngayong taon ay $6.29 billion.
Ang inutang na iyan ng Marcos admin ay may malaking interest, at dahil diyan ay asahang dobleng hirap ang dadanasin ng mamamayan sa pagbabayad sa mga utang na iyan ng gobyernong Marcos, tsk!
XXX
GINAWA NG DUTERTE ADMIN SA HEALTH CARE, PAGLIKHA NG TRABAHO AT SEGURIDAD SA PAGKAIN, GAGAWIN NI SEN. BONG GO SA SENADO -- Bukod sa health care ay tututukan na rin umano ni Sen. Bong Go ang paglikha ng trabaho at seguridad sa pagkain ng mga maralita.
Sa panahon ng Duterte admin, naging prayoridad ni ex-President Rodrigo Duterte ang health care, paglikha ng trabaho at seguridad sa pagkain, at dahil idol ni Sen. Bong Go ang dating presidente, kaya ang ginawa ng ex-president ay gagawin din ng senador sa Senado, period!
XXX
AANGAT ANG RATING NG IBA PANG SENATORIAL CANDIDATES NI EX-PDU30 DAHIL SA PAG-JOIN NINA HONEYLET AT KITTY SA PDP CAMPAIGN RALLY --Dumalo na ang mag-inang Honeylet Avancena at Kitty Duterte sa campaign rally ng PDP sa Quezon City at nanawagan na iboto ang lahat ng kandidato sa pagka-senador ni ex-P-Duterte na sa kasalukuyan ay nakakulong sa International Criminal Court (ICC) jail sa The Netherlands.
Ang pag-join na ito nina Honeylet at Kitty sa PDP campaign rally ay malaking bagay para umangat ang rating sa survey ng iba pang kandidato sa pagka-senador ni ex-P-Duterte, abangan!
XXX
HINDI JOKE ANG WARNING NI GEN. MARBIL SA MGA TIWALING PULIS -- Binalaan ni PNP Chief Gen. Rommel Marbil ang mga tiwaling pulis na magpakatino na dahil desididong kapag may nalaman siyang gumagawa ng katiwalian ay isasailalim niya ang mga ito sa lifestyle check at saka sasampahan ng mga kasong kriminal at administratibo para makulong at matanggal sa serbisyo.
Hindi joke ang warning na iyan ni Gen. Marbil, kaya dapat talagang tigilan na ng mga scalawag na parak ang kanilang mga gawaing bad para hindi sila masampulan sa gagawing paglaban ng PNP chief sa mga tiwaling pulis, period!
Comments