Sa 3 yrs. nila, tinanggap daw siya nang buung-buo… JM KAY DONNA: NAPAKASUWERTE KO. MAHAL KITA!
- BULGAR

- 3 days ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 20, 2026

Photo: FB JM De Guzman
Masayang nagdiwang ng kanilang 3rd anniversary sina JM de Guzman at Donnalyn Bartolome.
Ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram (IG) account ang kanilang simpleng dinner date sa isang restaurant.
Sa caption, sinabi ni JM ang kanyang wish para sa kanilang anibersaryo.
“EST (Established) June 22, 2023. Sana mas mapasaya pa kita, mas maalagaan, mas mabigyan pa lalo ng pagmamahal at alaga @donna,” ang pahayag ng aktor.
Sa kanyang IG Story, nagpasalamat naman si Donnalyn sa Diyos at siyempre, kay JM.
Aniya, “3 years? Thank you Papa God. @1migueldeguzman, thank you for everything.”
Actually, mukhang seryoso na talaga ang relasyon nina JM at Donnalyn, to the point na nagsabi na ang aktor na gusto niyang pakasalan ang girlfriend.
Madalas ding sabihin ni JM sa kanyang mga posts kung gaano niya kamahal si Donna at kung gaano siya kasuwerte for having her.
Sa isang madamdaming post noong August 2025, mensahe ng aktor sa GF, “Pinili mo ako kahit ‘di ka sigurado sa akin, kahit I was at my lowest. You saw the best in me. You always give me strength. You always make me believe that I’m handsome and sexy and the greatest actor of all time.”
Saad pa niya, “Nagpapasalamat ako sa Diyos na nakilala kita, na nabigyan ako ng grasya Niya na mahalin mo. Suwerte ko... napakasuwerte ko. Mahal kita.”
Kaya naman ang tanong ng mga netizens ay kung kailan magpo-propose si JM kay Donna.
NAGING isang pambihirang paglalakbay sa musika ang gabi para sa mga manonood nang itanghal ni Love Kryzl ang halos lahat ng kanyang sampung orihinal na awitin.
Binuksan ang programa sa masiglang Purple Hearts Jingle, na ipinakilala ng celebrity host na si Dianne Medina.
Napanatiling buhay ang sigla ng audience sa pamamagitan ng mga interactive na laro, kapana-panabik na papremyo, at masasayang bahagi ng programa.
Pormal na nagsimula ang konsiyerto sa mataas ang enerhiyang pagtatanghal ng
No Rush, kasama ang mga mananayaw ng GAU Entertainment.
Sinundan ito ng Crush on You, kung saan nakasama ni Kryzl sa entablado sina Josh Ford at Kira Balinger, na umani ng masigabong palakpakan mula sa mga manonood.
Naghatid din si Kryzl ng mga makabagbag-damdaming duet kasama ang kanyang mga espesyal na panauhin, kabilang ang Opo, Thank You Po kasama si Queenay Mercado at Hugs, Breathe, Smile kasama si Rachel Ann Pegason.
Inialay ang huling awitin sa sampung benepisyaryo ng Purple Hearts Foundation, na naging isa sa mga pinakanakaaantig na sandali ng buong gabi.
Isa pang tampok na pagtatanghal ang Perfect Summer ng The Jorge Siblings, na lalo pang naging espesyal sa pamamagitan ng father-and-daughter dance nina Jhong Hilario at Sarina Hilario.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Jhong ang patuloy na suporta ng pamilya ng Purple Hearts kay Sarina sa kanyang paglalakbay, habang pinuri rin niya si Kryzl sa mga kahanga-hanga nitong tagumpay sa murang edad.
Isa sa mga pinakaemosyonal na bahagi ng konsiyerto ang pag-awit ni Kryzl ng Hearts in Bloom, isa sa kanyang pinakabagong orihinal na kanta.
Sa pamamagitan ng kanyang taos-pusong pag-awit at emosyonal na pagtatanghal sa entablado, naipakita niya ang kanyang patuloy na paglago bilang batang recording artist at tunay na naantig ang damdamin ng mga manonood.
Nagtapos ang konsiyerto sa Birthday LOVE, kung saan nakasama ni Kryzl sa entablado ang kanyang buong pamilya.
Ang emosyonal na pagtatapos na ito ang nagsilbing magandang paggunita sa pangunahing mensahe ng gabi—ang pasasalamat, pagmamahal, pagkakawanggawa, at kahalagahan ng pagbibigay at pagtulong sa kapwa.





Comments