top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

Misis ng negosyante, binati raw, pero… PAMILYA NI VINCENT, NO SHOW SA B-DAY SALU-SALO NI BEA

Writer: BULGAR
BULGAR
9 hours ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 22, 2026



TEKA NGA - PAMILYA NI VINCENT, NO SHOW SA B-DAY SALU-SALO NI BEA_FB Circulated

Photo: FB Circulated



Nag-celebrate ng kanyang 39th birthday si Bea Alonzo sa intimate na salu-salo sa isang Chinese resto kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan. 


Naroroon ang kanyang inang si Mary Anne, kapatid na si James at hipag na si Thalia Agbayani, anak ng komedyanteng si Bayani Agbayani. Dumalo rin sa birthday get-together ni Bea ang ilan sa kanilang mga non-showbiz friends ng mister niyang si Vincent Co.


Pero may mga netizens na nakapansin base sa mga larawang naka-post na wala ni isa man sa partido ng mister niya ang dumalo sa birthday party. 


Hindi tuloy maiwasang isipin ng iba na hindi pa ganap na tanggap si Bea ng pamilya ni Vincent.


Ganunpaman, may nagsasabi naman na binati nila si Bea sa kaarawan nito, pero sobrang busy sa kanilang mga negosyo kaya hindi nakadalo.


Pero hindi ito issue sa aktres dahil hindi naman siya sentimental na tao. In fact, may pagka-nonchalant nga ito at ayaw ng mga drama sa buhay.


Ang mahalaga ay kapiling niya si Vincent Co sa kanyang kaarawan.





Naging inspirasyon ng Asia’s Songbird… 

REGINE, ‘DI MALIMUTANG PINALAYAS SA TENT NANG MAG-GUEST SA SHOW



NAPAKAINIT ng pagtanggap sa three-day FINALE concert ni Regine Velasquez na ginanap sa SM Mall of Asia (MOA) Arena. 


Maraming celebrities ang nanood at marami ang nagsabing hindi pa dapat magretiro sa singing career ang Asia’s Songbird. Kahit hindi na niya kayang bumirit gaya ng dati, naipapakita pa rin ang husay niya.


Iba-iba ang mga kantang inawit ni Regine sa bawat araw ng concert, gayundin ang kanyang celebrity guests, kaya sulit na sulit ang panonood ng FINALE.


Medyo naging emosyonal si Regine nang magpasalamat sa mga taong tumulong sa kanyang career.


Big surprise naman ang reunion nila nina Mikee Cojuangco at Donna Cruz, na nakasama niya sa pelikulang Do Re Mi. Makalipas ang maraming taon, nananatili pa rin ang kanilang friendship.


Noong Day 2 ng concert, si Jose Mari Chan ang celebrity guest.


Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon, hindi pa rin nalilimutan ni Regine na minsan siyang pinaalis sa tent ng mga artista noong nag-guest siya sa isang show. 


Sa halip na magtanim ng sama ng loob, ginawa niya itong inspirasyon upang magsikap at abutin ang kanyang mga pangarap.





HINDI naging madali kina Kylie Padilla at Miguel Tanfelix ang kanilang role sa action seryeng Taskforce Firewall (TF). Mas pisikal ang hirap na kanilang pinagdaanan kumpara sa mga madramang seryeng una nilang ginawa, lalo na sa mga eksena ng pagtugis sa mga sindikato at scammers. Minsan ay buwis-buhay pa ang kanilang mga eksena.


Pero sulit naman ang kanilang effort dahil kahit saang regional shows sila pumunta, TF ang isinisigaw ng mga tao. Patunay lamang ito na nagmarka sa mga viewers ang kanilang serye sa GMA-7.


Markado rin ang role nina Jak Roberto, Kyline Alcantara at Buboy Villar. 


Isa naman sa mga pinakakinaiinisang characters sa serye ay si Martin (Luis Hontiveros), na isa ring agent ng Firewall. Pinag-iinitan niya sina Galo (Miguel) at Hex (Jak Roberto). In fairness, mahusay siyang kontrabida.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page